Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

2 sa 673 card

Alisin ang mga filter
Ang sinumang magsabi ng: "Bismi -llāhi -lladhī lā yaḍurru ma`a -smihi shay’un fi -l’arḍi wa-lā fi -ssamā’i, wa huwa -ssamī`u -l`alīm (Sa ngalan ni Allāh na walang nakapipinsala sa pangalan Niya na bagay sa lupa ni sa langit at Siya ay ang Madinigin, ang Maalam)" nang tatlong ulit, walang tatama sa kanya na isang pambibigla ng isang pagsubok hanggang sa mag-umaga; at ang sinumang magsabi nito nang tatlong ulit kapag nag-umaga, walang tatama sa kanya na isang pambibigla ng isang pagsubok hanggang sa gumabi." Nagsabi ito: Tumama kay Abān bin `Uthmān ang pagkaparalisa. Nagsimula ang lalaki na nakarinig mula sa kanya ng ḥadīth na tumingin sa kanya, kaya nagsabi siya rito: "Bakit ka tumitingin sa akin?" Sumpa man kay Allāh, hindi ako nagsinungaling hinggil kay `Uthmān at hindi nagsinungaling si `Uthmān hinggil sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) subalit ngayong araw na tumama sa akin dito ang tumama sa akin, nagalit ako saka nakalimot ako na magsabi nito.}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
Siya noon ay nagsasabi kapag inumaga siya: "Allāhumma bika aṣbaḥnā, wa-bika amsaynā, wa-bika naḥyā, wa-bika namūt, wa-ilayka -nnushūr. (O Allāh, sa pamamagitan Mo ay inumaga kami, sa pamamagitan Mo ay ginabi kami, sa pamamagitan Mo ay nabubuhay kami, sa pamamagitan Mo ay mamamatay kami, at tungo sa Iyo ang pagkabuhay.)" Kapag ginabi siya, nagsasabi siya: "[Allāhumma] bika amsaynā, wa-bika aṣbaḥnā, wa-bika naḥyā, wa-bika namūt, wa-ilayka -nnushūr. ([O Allāh,] sa pamamagitan Mo ay ginabi kami, sa pamamagitan Mo ay inumaga kami, sa pamamagitan Mo ay nabubuhay kami, sa pamamagitan Mo ay mamamatay kami, at tungo sa Iyo ang pagkabuhay.)" Nagsabi naman siya sa ibang pagkakataon: "... wa-ilayka -lmaṣīr (... at tungo sa Iyo ang kahahantungan.)"}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā, at Imām Ibnu Mājah.