Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

48 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Tagapagsalaysay

Ipakita ang lahat ng tagapagsalaysay (34)
{Na may isang lalaking nagtanong sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat nagsabi ito: "Nagtuturing ka ba – kapag nagdasal ako ng mga isinatungkulin, nag-ayuno ako sa Ramaḍān, nagsapahintulot ako ng ipinahihintulot at nagbawal ako ng bawal, at hindi ako nagdagdag doon ng anuman – na papasok ba ako sa Paraiso?" Nagsabi siya: "Oo." ...}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Tunay na si Allāh ay nag-obliga ng pagpapahusay sa bawat bagay. Kaya kapag pumatay kayo ay magpahusay kayo sa paraan ng pagpatay at kapag kumatay kayo ay magpahusay kayo sa paraan ng pagkatay. Humasa ang isa sa inyo ng patalim niya at magpaginhawa siya sa kakatayin niya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Huwag kayong mag-inggitan. Huwag kayong magpataasan sa tawad. Huwag kayong magmuhian. Huwag kayong magtalikuran. Huwag magtinda ang ilan sa inyo bilang panunulot sa pagtitinda ng iba pa. Maging mga lingkod kayo ni Allāh bilang magkakapatid. Ang Muslim ay kapatid ng Muslim. Hindi siya nang-aapi nito. Hindi siya nagkakanulo nito. Hindi siya nanghahamak nito. Ang pangingilag magkasala ay narito." Tumuturo siya sa dibdib niya nang tatlong ulit. "Nasa kasapatan sa isang tao bilang kasamaan na manghamak siya ng kapatid niyang Muslim. Ang lahat sa Muslim sa kapwa Muslim ay bawal labagin: ang dugo niya, ang ari-arian niya, at ang dangal niya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Nagsabi ako: "O Sugo, ni Allāh, magsabi ka sa akin kaugnay sa Islām ng isang masasabing hindi ako makapagtatanong tungkol doon sa isang iba pa sa iyo." Nagsabi siya: "Magsabi ka: Sumampalataya ako kay Allāh, pagkatapos magpakatuwid ka."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Bahagi ng kagandahan ng pagkaanib sa Islām ng tao ang pag-iwan niya ng anumang hindi pumapatungkol sa kanya."
Nagsabi si An-Nawawīy: ḥadīth na maganda Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy at ang iba pa sa kanya.
"Ang sinumang nakakita kabilang sa inyo ng isang nakasasama ay ibahin niya ito sa pamamagitan ng kamay niya ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng dila niya ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng puso niya – at iyon ay ang pinakamahinang pananampalataya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Tunay na si Allāh ay nagsatungkulin ng mga tungkulin kaya huwag kayong magpabaya sa mga ito, naghangganan ng mga hangganan kaya huwag kayong lumampas sa mga ito, nagbawal ng ilang bagay kaya huwag kayong lumabag sa mga ito, at nanahimik sa ilang bagay dala ng pagkaawa sa inyo hindi dala ng pagkalimot kaya huwag kayong maghanap ng mga ito."}
Nagsabi si An-Nawawīy: ḥadīth na maganda Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dāraquṭnīy sa Sunan niya at iba pa.
"Tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay nagsabi: {Ang sinumang nakipag-away sa isang katangkilik para sa Akin, nagpahayag nga Ako sa kanya ng digmaan. Hindi nagpakalapit-loob sa Akin ang lingkod Ko sa pamamagitan ng isang bagay na higit na kaibig-ibig sa Akin kaysa sa isinatungkulin Ko sa kanya. Hindi tumitigil ang lingkod Ko na nagpapakalapit-loob sa Akin sa pamamagitan ng mga kusang-loob na pagsamba hanggang sa umibig Ako sa kanya. Kaya kapag umibig Ako sa kanya, Ako ay naging ang pandinig niya na ipinandidinig niya, ang paningin niya na ipinantitingin niya, ang kamay niya na ipinanghahawak niya, at ang paa niya na ipinanlalakad niya. Kung humingi siya sa Akin, talagang magbibigay nga Ako sa kanya. Talagang kung humiling siya sa Akin ng pagkupkop, talagang magkukupkop nga Ako sa kanya. ...}"}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.