Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

29 sa 673 card

Alisin ang mga filter
{Nagsabi ako: "O Sugo, ni Allāh, magsabi ka sa akin kaugnay sa Islām ng isang masasabing hindi ako makapagtatanong tungkol doon sa isang iba pa sa iyo." Nagsabi siya: "Magsabi ka: Sumampalataya ako kay Allāh, pagkatapos magpakatuwid ka."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Ang sinumang nakakita kabilang sa inyo ng isang nakasasama ay ibahin niya ito sa pamamagitan ng kamay niya ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng dila niya ngunit kung hindi siya nakakaya ay sa pamamagitan ng puso niya – at iyon ay ang pinakamahinang pananampalataya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Ang Relihiyon ay ang pagpapayo." Nagsabi kami: "Alang-alang kanino po?" Nagsabi siya: "Alang-alang kay Allāh, alang-alang sa Aklat Niya, alang-alang sa Sugo Niya, at alang-alang sa mga pinuno ng mga Muslim at madla nila."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Ang pagkapasuso ay nagbabawal sa [gaya ng] ipinagbabawal ng pagkapanganak."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang pagkadalisay ay kalahati ng pananampalataya. Ang [pagsasabi ng:] alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa timbangan [ng mga gawa]. Ang [pagsasabi ng:] subḥāna -llāh (kaluwalhatian kay Allāh) at alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa nasa pagitan ng mga langit at lupa. Ang pagdarasal ay liwanag. Ang kawanggawa ay patotoo. Ang pagtitiis ay tanglaw. Ang Qur'ān ay katwiran para sa iyo o laban sa iyo. Ang bawat isa sa mga tao ay maagang lumilisan saka nagtitinda ng sarili niya kaya nagpapalaya nito o nagpapahamak nito."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Kung sakaling bibigyan ang mga tao dahil sa pag-aangkin nila, talaga sanang may nag-angkin na mga lalaki ng mga yaman ng mga tao at mga buhay ng mga ito; subalit ang katunayan ay nasa nag-aangkin at ang panunumpa ay nasa sinumang nagkaila."}
Maganda Nagsalaysay nito si Imām Al-Bayhaqīy at ng iba pa nang ganito, at ang bahagi nito ay nasa As-Sahihayn.
"Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magsabi siya ng mabuti o manahimik siya. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magparangal siya sa kapitbahay niya. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magparangal siya sa panauhin niya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Hindi nalalabag ang buhay ng isang taong Muslim malibang dahil sa isa sa tatlo: ang nakapag-asawang nangalunya, ang buhay kapalit ng buhay, at ang nag-iiwan ng Relihiyon niya na nakikipaghiwalay sa Bukluran."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.