Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

14 sa 673 card

Alisin ang mga filter
{Noong nilikha ni Allāh ang Paraiso at ang Impiyerno, isinugo Niya si [Anghel] Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) sa Paraiso saka nagsabi Siya: "Tumingin ka roon at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya naman tumingin ito roon saka bumalik ito saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, walang makaririnig hinggil doon na isa man malibang papasok doon." Kaya nag-utos Siya hinggil doon saka pinaligiran iyon ng mga pahirap saka nagsabi Siya: "Pumunta ka roon saka tumingin ka roon at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano iyon ay pinaligiran na ng mga pahirap saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, talaga ngang natakot ako na walang makapasok doon na isa man." Nagsabi Siya: "Pumunta ka saka tumingin ka sa Impiyerno at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano pumapatong ang isa sa bahagi [ng apoy] niyon sa isa pang bahagi kaya bumalik ito saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, walang papasok doon na isa man." Kaya nag-utos Siya hinggil doon saka pinaligiran iyon ng mga ninanasa saka nagsabi Siya: "Bumalik ka roon saka tumingin ka roon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano iyon ay pinaligiran ng mga ninanasa kaya bumalik ito at nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, talaga ngang natakot ako na walang makaligtas mula roon na isa man malibang papasok doon."}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy.
{Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Nagsabi si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas): O Anak ni Adan, tunay na ikaw, hanggat dumalangin ka sa Akin at umasa ka sa Akin, magpapatawad Ako sa iyo sa anumang nasa iyo at hindi Ako papansin. O Anak ni Adan, kung sakaling umabot ang mga pagkakasala mo sa mga ulap ng langit, pagkatapos humingi ka ng tawad sa Akin, magpapatawad Ako sa iyo at hindi Ako papansin. O Anak ni Adan, kung sakaling nagdala ka sa Akin ng kasinglaki ng lupa na mga kamalian, pagkatapos nakipagkita ka sa Akin nang hindi nagtatambal sa Akin ng anuman, talagang maghahatid nga Ako sa iyo ng kasinglaki nito na kapatawaran."}
Maganda Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.
{Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), siya noon, kapag pumasok sa masjid, ay nagsasabi ng: "A`ūdhu bi-llāhi –l`ađīm, wa-bi-wajhihi –lkarīm, wa-sulṭānihi –lqadīm, mina –shshayṭāni –rrajīm. (Nagpapakupkop ako kay Allāh, ang Sukdulan, sa mukha Niyang marangal, at sa kapamahalaan Niyang datihan, laban sa demonyong isinumpa.)" Nagsabi siya: "Sapat na ba?" Nagsabi ako: "Oo." Nagsabi siya: "Kaya kapag sinabi niya iyan, magsasabi ang demonyo: Iningatan siya laban sa akin sa nalalabi sa araw."}
Maganda Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
{May isang lalaking pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsalita ito sa kanya kaugnay sa ilang bagay saka nagsabi ito: "Ang niloob ni Allāh at niloob mo!" Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Gumawa ka ba sa akin bilang katumbas kay Allāh? Sabihin mo: Ang niloob ni Allāh – tanging Siya."}
Ang Isnād nito ay maganda. رواه ابن ماجه والنسائي في الكبرى وأحمد
"Ang tao ay natatangay ng relihiyon ng matalik na kaibigan niya kaya tumingin ang isa sa inyo sa kung kanino siya matalik na nakikipagkaibigan."}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Aḥmad.
"Tunay na ang pinakapinangangambahan sa pinangangambahan ko para sa inyo ay ang Maliit na Pagtatambal." Nagsabi sila: "Ano po ang Maliit na Pagtatambal, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang pagpapakitang-tao. Magsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa kanila sa Araw ng Pagbangon kapag gagantihan ang mga tao sa mga gawa nila: Pumunta kayo sa kanila na kayo noon ay nagpapakitang-tao sa Mundo, saka tumingin kayo kung makatatagpo kaya kayo sa piling nila ng isang ganti."}
Maganda Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad.
"Tunay na si Allāh ay nagpalampas para sa akin sa Kalipunan ko ng pagkakamali, pagkalimot, at anumang pinilit sila."}
Nagsabi si An-Nawawīy: ḥadīth na maganda Nagsalaysay nito sina Imām Ibnu Mājah, Imām Al-Bayhaqīy, at iba pa sa kanilang dalawa.
"Hindi kabilang sa atin ang sinumang nag-ugnay ng kamalasan o nagpaugnay ng kamalasan, o nanghula o nagpahula, o nanggaway o nagpagaway. Ang sinumang nagbuhol [saka umihip dito] at ang sinumang pumunta sa isang manghuhula saka naniwala sa sinasabi nito ay tumanggi ngang sumampalataya sa pinababa kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)."}
Maganda Nagsalaysay nito si i Al-Bazār.