Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

115 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

Tagapagsalaysay

Ipakita ang lahat ng tagapagsalaysay (52)
"Tunay na si Allāh ay hindi lumalabag sa katarungan sa magandang gawa sa isang mananampalataya. Bibigyan siya dahil doon sa Mundo at gagantihan siya dahil doon sa Kabilang-buhay. Hinggil naman sa tagatangging-sumampalataya, pinatitikim siya ng mga maganda ng ginawa niya para kay Allāh sa Mundo, na hanggang sa kapag humantong siya sa Kabilang-buhay ay hindi na siya magkakaroon ng isang magandang gawa na gagantihan siya dahil dito."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Kami minsan sa piling ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay siyam o walo o pito, saka nagsabi siya: "Hindi ba kayo mangangako ng katapatan sa Sugo ni Allāh?" Kami noon ay mga bagong nangako ng katapatan kaya nagsabi kami: "Nangako na kami ng katapatan sa iyo, O Sugo ni Allāh." Pagkatapos nagsabi siya: "Hindi ba kayo mangangako ng katapatan sa Sugo ni Allāh." Kaya nagsabi kami: "Nangako na kami ng katapatan sa iyo, O Sugo ni Allāh." Pagkatapos nagsabi siya: "Hindi ba kayo mangangako ng katapatan sa Sugo ni Allāh." Pagkatapos nagsabi ito: "Kaya nag-abot kami ng mga kamay namin at nagsabi kami: 'Nangako na kami ng katapatan sa iyo, O Sugo ni Allāh. Kaya sa ano pa kami mangangako ng katapatan sa iyo?'" Nagsabi siya: "Sa [pangako] na sumamba kayo kay Allāh, hindi kayo magtambal sa Kanya ng anuman, [magpanatili kayo] sa limang pagdarasal, tumalima kayo," – at naglihim siya ng isang mahinang pangungusap – "at hindi kayo manghingi sa tao ng anuman." Kaya talaga ngang nakakita ako sa isa sa mga taong iyon na nalalaglag ang latigo ng isa sa kanila ngunit hindi siya humihiling sa isa man na mag-aabot ito niyon sa kanya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili sa ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj, at pag-aayuno sa Ramaḍān."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang paghahalintulad sa mapagpaimbabaw ay gaya ng paghahalintulad sa tupa na lumilipat sa pagitan ng [dalawang kawan ng] mga tupa: lumilipat dito minsan at diyan minsan."
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, nakakita ka ba ng mga bagay na ako dati ay gumagawa ng mga iyon sa Panahon ng Kamangmangan gaya ng kawanggawa o pagpapalaya ng alipin o pakikiugnay sa kaanak? Kaya sa mga ito kaya ay may pabuya?" Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Umanib ka sa Islām kalakip ng nauna na kabutihan."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Tunay na sa pagitan ng tao at ng shirk at kawalang-pananampalataya ay ang pag-iwan sa ṣalāh."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung aling pagkakasala ang pinakamabigat sa ganang kay Allāh. Nagsabi siya: "Na gumawa ka para kay Allāh ng isang kaagaw samantalang Siya ay lumikha sa iyo." Nagsabi ako: "Tunay na iyon ay talagang mabigat." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Na pumatay ka ng anak mo; nangangamba ka na kakain siya kasama mo." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Na makipangalunya ka sa ginang ng kapit-bahay mo."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Hindi pumapasok ang mga anghel sa isang bahay na sa loob nito ay may aso ni may larawan."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.