Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

115 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

Tagapagsalaysay

Ipakita ang lahat ng tagapagsalaysay (52)
"Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili sa ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj, at pag-aayuno sa Ramaḍān."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
"Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, talagang mapalalapit nga na bumaba sa inyo ang Anak ni Maria bilang tagahatol na nagpapakamakatarungan para bumasag ng krus, pumatay ng baboy, mag-alis ng jizyah, at mag-umapaw ang yaman hanggang sa walang tumanggap nito na isa man."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Inutusan ako na makipaglaban sa mga tao hanggang sa sumaksi sila na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, magpanatili sila ng dasal, at magbigay sila ng zakāh. Kaya kapag gumawa sila niyon, mapangangalagaan sila mula sa akin sa mga buhay nila at mga ari-arian nila malibang ayon sa karapatan ng Islām. Ang pagtutuos sa kanila ay nasa kay Allāh."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Siya ay nagsabi sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagtuturing ka po ba na kung nakatagpo ako ng isang lalaking kabilang sa mga tagatangging sumampalataya saka naglaban-laban kami saka tumaga siya sa isa sa mga kamay ko ng tabak saka nakaputol siya nito, pagkatapos kumanlong siya laban sa akin sa isang punong-kahoy saka nagsabi: 'Sumuko ako kay Allāh,' papatayin ko po ba siya, O Sugo ni Allāh, matapos na nagsabi siya niyon?" Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag mo siyang patayin." Kaya nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na siya ay pumutol ng isa sa mga kamay ko, pagkatapos nagsabi siya niyon matapos siyang pumutol nito?" Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag mo siyang patayin; sapagkat kung pinatay mo siya, tunay na siya ay nasa katayuan mo bago mo siya pinatay at tunay na ikaw ay nasa katayuan niya bago siya nagsabi ng pangungusap niya na sinabi niya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa isinalaysay niya ayon sa Panginoon niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) na nagsabi: {Nagsabi siya: "Tunay si Allāh ay nagtakda ng mga magandang gawa at mga masagwang gawa, pagkatapos naglinaw Siya niyon. Ang sinumang nagbalak ng isang magandang gawa saka hindi ito nakagawa niyon, magsusulat niyon si Allāh para rito sa ganang Kanya bilang isang magandang gawa; ngunit kung ito ay nagbalak niyon saka nakagawa niyon, magsusulat si Allāh niyon para rito sa ganang Kanya bilang sampung magandang gawa hanggang sa pitong daang ibayo hanggang sa maraming ibayo. Ang sinumang nagbalak ng isang masagwang gawa saka hindi ito nakagawa niyon, magsusulat si Allāh niyon para rito sa ganang Kanya bilang isang buong magandang gawa; ngunit kung ito ay nagbalak niyon saka nakagawa niyon, magsusulat si Allāh niyon para rito bilang iisang masagwang gawa."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang sinaway ko sa inyo ay iwasan ninyo at ang ipinag-utos ko sa inyo ay gawin ninyo mula rito ang makakaya ninyo sapagkat napahamak lamang ang mga bago pa ninyo dahil sa dami ng mga pagtatanong nila at pagsalungat nila sa mga propeta nila."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
{Na siya ay kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa isa sa mga paglalakbay nito. Nagsabi siya: Nagsugo ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang sugo – habang ang mga tao ay nasa pinagmamagdamagan nila – [na mag-uutos]: "Wala ngang matitira sa leeg ng isang kamelyo na isang kuwintas na yari sa kuwerdas o isang kuwintas [na anuman] malibang puputulin ito."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, si Ibnu Jud`ān noon sa Panahon ng Kamangmangan ay nakikiugnay sa kaanak at nagpapakain ng dukha. Kaya iyan kaya ay magpapakinabang sa kanya?" Nagsabi siya: "Hindi ito magpapakinabang sa kanya. Tunay na siya ay hindi nagsabi isang araw man lang ng: Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin ng kasalanan ko sa Araw ng Pagtutumbas."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.