Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

115 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

Tagapagsalaysay

Ipakita ang lahat ng tagapagsalaysay (52)
"May apat na ang sinumang ang mga ito ay naging nasa kanya, siya ay naging mapagpaimbabaw. Kung naging may isang katangian mula sa mga ito sa kanya, may naging nasa kanya na isang katangian mula sa pagpapaimbabaw hanggang sa mag-iwan siya nito: kapag nagsalita siya, nagsisinungaling siya; kapag nangako siya, sumisira siya; kapag nakipag-alitan siya, nagmamasamang-loob siya; at kapag nakipagkasunduan siya, nagtatraidor siya."
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
"May darating sa katapusan ng panahon na mga tao, na mga baguhan ang mga ngipin, na mga hunghang ang mga pag-iisip, na magsasabi ng anumang pinakamabuti sa sabi ng sangkinapal. Lalampas sila mula sa Islām kung paanong lumalampas ang palaso mula sa tinutudla. Hindi lalampas ang pananampalataya nila mula sa mga lalamunan nila. Kaya saanman kayo nakatagpo sa kanila, patayin ninyo sila sapagkat tunay na ang pagpatay sa kanila ay may pabuya para sa sinumang pumatay sa kanila sa Araw ng Pagbangon."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Tunay na si Allāh ay naninibugho. Tunay na ang mananampalataya ay naninibugho. Ang paninibugho ni Allāh ay na gumawa ang mananampalataya ng ipinagbawal Niya rito."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{May dumating na mga tao kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagtanong sila sa kanya: "Tunay na kami ay nakatatagpo sa mga sarili namin ng minamabigat ng isa sa amin na magsalita hinggil doon." Nagsabi siya: "Nakaranas nga kayo niyon?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Iyan ay ang kalantayan ng pananampalataya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Tunay na ako ay nasa tabi ng Tubigan nang sa gayon makatingin ako sa sinumang pumupunta sa akin kabilang sa inyo. May kukunin na mga tao sa tabi ko kaya magsasabi ako: 'O Panginoon ko, kabilang sa akin at kabilang sa Kalipunan ko iyan.' Kaya sasabihin: 'Nakaramdam ka kaya sa ginawa nila matapos mo? Sumpa man kay Allāh, hindi sila huminto na bumabalik sa mga pinagdaanan nila.'"}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Darating ang demonyo sa isa sa inyo saka magsasabi ito: 'Sino ang lumikha ng ganito? Sino ang lumikha ng gayon?' hanggang sa magsabi ito: 'Sino ang lumikha sa Panginoon mo?' Kaya kapag umabot ito roon, humiling siya ng pagkupkop kay Allāh at tumigil na."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"O Bilāl, magsanaysay ka sa akin ng pinakamagantimpalang gawaing ginawa mo sa Islām sapagkat tunay na ako ay nakarinig ng yabag ng sandalyas mo sa harap ko sa Paraiso." Nagsabi ito: "Ang ginagawa kong isang gawaing pinakamagantimpala sa ganang akin ay na ako ay hindi nagpapakadalisay ng isang pagdalisay sa isang oras sa isang gabi o isang maghapon malibang nagdarasal ako dahil sa pagkadalisay na iyon ng naitakda sa akin na dasalin ko."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Nagsanaysay sa amin si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na may isang lalaking nagsabi: "O Propeta ni Allāh, papaano pong bubuhayin ang tagatangging sumampalataya [nang naglalakad] sa mukha niya?" Nagsabi siya: "Hindi ba ang nagpalakad sa kanya sa dalawang paa sa Mundo ay nakakakaya na magpalakad sa kanya sa mukha niya sa Araw ng Pagbangon?"} Nagsabi si Qatādah: "Siya nga, sumpa man sa kapangyarihan ng Panginoon natin."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.