Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

86 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

"Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili sa ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj, at pag-aayuno sa Ramaḍān."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay nagsabi: {Ang sinumang umaway sa isang katangkilik para sa Akin, nagpahayag nga Ako sa kanya ng digmaan. Hindi nagpakalapit-loob sa Akin ang lingkod Ko sa pamamagitan ng isang bagay na higit na kaibig-ibig sa Akin kaysa sa isinatungkulin Ko sa kanya. Hindi tumitigil ang lingkod Ko na nagpapakalapit-loob sa Akin sa pamamagitan ng mga kusang-loob na pagsamba hanggang sa umibig Ako sa kanya. Kaya kapag umibig Ako sa kanya, Ako ay naging ang pandinig niya na ipinandidinig niya, ang paningin niya na ipinantitingin niya, ang kamay niya na ipinanghahawak niya, at ang paa niya na ipinanlalakad niya. Kung humingi siya sa Akin, talagang magbibigay nga Ako sa kanya. Talagang kung humiling siya sa Akin ng pagkupkop, talagang magkukupkop nga Ako sa kanya. Hindi Ako nag-atubili sa isang bagay na Ako ay gagawa nito gaya ng pag-aatubili Ko sa [pagbawi sa] kaluluwa ng mananampalataya habang nasusuklam siya sa kamatayan samantalang Ako naman ay nasusuklam sa pagpapasakit sa kanya.}"}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
{Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, nakakita ka ba ng mga bagay na ako dati ay gumagawa ng mga iyon sa Panahon ng Kamangmangan gaya ng kawanggawa o pagpapalaya ng alipin o pakikiugnay sa kaanak? Kaya sa mga ito kaya ay may pabuya?" Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Umanib ka sa Islām kalakip ng nauna na kabutihan."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung aling pagkakasala ang pinakamabigat sa ganang kay Allāh. Nagsabi siya: "Na gumawa ka para kay Allāh ng isang kaagaw samantalang Siya ay lumikha sa iyo." Nagsabi ako: "Tunay na iyon ay talagang mabigat." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Na pumatay ka ng anak mo; nangangamba ka na kakain siya kasama mo." Nagsabi ako: "Pagkatapos alin po?" Nagsabi siya: "Na makipangalunya ka sa ginang ng kapit-bahay mo."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Hindi pumapasok ang mga anghel sa isang bahay na sa loob nito ay may aso ni may larawan."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang apoy ninyo ay isang bahagi mula sa pitumpung bahagi ng apoy ng Impiyerno." Sinabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ito ay naging talagang nakasasapat." Nagsabi siya: "Pinalamang iyon higit sa mga iyan ng animanpu't siyam na bahagi, na ang bawat isa sa mga iyan ay tulad ng init nito."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ang mga susi ng Nakalingid ay lima: {Tunay na si Allāh ay may taglay ng kaalaman sa Huling Sandali. Nagbababa Siya ng ulan at nakaaalam Siya sa anumang nasa mga sinapupunan. Hindi nababatid ng isang kaluluwa kung ano ang kakamtin niya kinabukasan at hindi nababatid ng isang kaluluwa kung sa aling lupain siya mamamatay. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid.}(Qur'ān 31:34)}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
Tunay na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay magsasabi sa mga maninirahan sa Paraiso: "O mga maninirahan sa Paraiso." Kaya magsasabi sila: "Bilang pagtugon sa Iyo, Panginoon namin, at bilang pagpapaligaya sa Iyo." Kaya magsasabi Siya: "Nalugod ba kayo?" Kaya magsasabi sila: "Ano ang mayroon sa amin na hindi kami nalulugod samantalang nagbigay Ka nga sa amin ng hindi Mo ibinigay sa isa mula sa nilikha Mo?" Kaya magsasabi Siya: "Ako ay magbibigay sa inyo ng higit na mainam kaysa roon." Magsasabi sila: "O Panginoon, at aling bagay ang higit na mainam kaysa roon?" Kaya magsasabi Siya: "Magpapadapo Ako sa inyo ng kaluguran Ko kaya hindi Ako maiinis sa inyo matapos nito magpakailanman."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.