Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

19 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"Ang sinumang sumumpa sa ipinagkatiwalang tungkulin, hindi siya kabilang sa atin."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām Aḥmad.
{Tumayo sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw, saka nangaral siya sa amin ng isang marubdob na pangaral na nasindak dito ang mga puso at lumuha dahil dito ang mga mata. Kaya sinabi: "O Sugo ni Allāh, nangaral ka po sa amin ng isang pangaral ng isang namamaalam, kaya maghabilin ka po sa amin ng isang habilin." Kaya nagsabi siya: "Manatili kayo ng pangingilag magkasala kay Allāh at pagdinig at pagtalima [sa pinuno], kahit pa siya ay isang aliping Etyope. Makakikita kayo matapos ko ng isang matinding pagkakaiba-iba. Kaya manatili kayo sa Sunnah ko at Sunnah ng mga Matinong Napatnubayang Khalīfah. Kumagat kayo rito ng mga bagang ninyo. Kaingat kayo sa mga bagay-bagay na pinauso sapagkat tunay na ang bawat bid`ah ay kaligawan."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
{Humayo ako sa delegasyon ng liping `Āmir patungo sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi kami: "Ikaw ay pinapanginoon namin." Kaya nagsabi siya: "Ang Pinapanginoon ay si Allāh." Nagsabi kami: "At ang pinakamainam sa amin sa kainaman at ang pinakadakila sa amin sa kagalantehan." Kaya nagsabi siya: "Magsabi kayo ng hinggil sa sabi ninyo o bahagi ng sabi ninyo at huwag nga gagamit sa inyo ang demonyo."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām Aḥmad.
"Ang sinumang nagpalugit sa nagigipit o nagpatawad sa utang nito, maglililim sa kanya si Allāh sa Araw ng Pagbangon sa ilalim ng lilim ng trono Nito, sa Araw na walang lilim kundi ang lilim Nito."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad.
"O Allāh, huwag Mong gawin ang libingan ko bilang isang diyus-diyusan." Sumumpa si Allāh sa mga taong gumawa sa mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan.}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad.
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), noong pumunta siya sa Ḥunayn, ay naparaan sa isang punong-kahoy ng mga tagapagtambal, na tinatawag na Dhāt Anwāṭ, na nagsasabit sila rito ng mga sandata nila. Kaya nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, gumawa ka para sa amin ng isang Dhāt Anwāṭ kung paanong mayroon silang Dhāt Anwāṭ." Kaya nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaluwalhatian kay Allāh! Ito ay gaya ng sinabi ng mga tao ni Moises: {gumawa ka para sa amin ng isang diyos kung paanong mayroon silang mga diyos.”} (Qur'ān 7:138) Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, talagang sasakay nga kayo sa kalakaran ng mga bago ninyo!"}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad.
"Huwag niyong sabihin: Mā shā'a -llāhu WA-shā'a fulān (Ang niloob ni Allāh AT niloob ni Polano), subalit sabihin ninyo: Mā shā'a -llāhu THUMMA shā'a fulān (Ang niloob ni Allāh PAGKATAPOS niloob ni Polano)."}
Tumpak dahil sa kabuuan ng mga daan nito Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā, at Imām Aḥmad.
"Ang sinumang nakipagtagpo kay Allāh habang hindi siya nagtatambal Dito ng anuman ay walang makapipinsala sa kanya kasama sa kanya na isang kamalian. Ang sinumang namatay habang siya ay nagtatambal Dito ay walang makapagpapakinabang sa kanya kasama sa kanya na isang magandang gawa."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad.