Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

14 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

{Naparaan ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa dalawang libingan saka nagsabi siya: "Tunay na silang dalawa ay talagang pinagdurusa. Hindi silang dalawa pinagdurusa kaugnay sa isang malaking kasalanan. Hinggil sa isa sa kanilang dalawa, siya noon ay hindi nagtatakip sa pag-ihi. Hinggil naman sa isa pa, siya noon ay naglalako ng paninirang-puri." Pagkatapos kumuha siya ng isang sariwang palapa saka naghati siya nito sa dalawang hati saka nagtusok sa bawat libingan ng isa. Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, bakit mo ginawa iyan?" Nagsabi siya: "Harinawang iyan ay magpapagaan para sa kanilang dalawa hanggat hindi natuyo."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagbawal sa qaza`."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Tunay na ang pinakakasuklam-suklam sa mga lalaki para kay Allāh ay ang pinakapalaban sa mga kaalitan."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Umiwas kayo sa pitong tagapagpasawi." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, at ano po ang mga ito?" Nagsabi siya: "Ang pagtatambal kay Allāh, ang panggagaway, ang pagpatay sa kaluluwang ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa katwiran, ang pagkain ng patubo, ang pagkain ng yaman ng ulila, ang pagtalikod sa araw ng labanan, at ang paninirang-puri sa mga malinis na nakapag-asawang babae, na mga mananampalataya, na mga inosente."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang pang-aalipusta sa Muslim ay kasuwailan at ang pakikipaglaban sa kanya ay kawalang-pananampalataya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{May isang lalaki sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pangalan ay `Abdullāh. Ito noon ay tinatagurian bilang Ḥimār. Ito noon ay nagpapatawa sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang Propeta minsan (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay humagupit dito dahil sa pag-inom [ng alak]. Dinala na naman ito isang araw saka hinagupit ito kaya may nagsabing isang tao kabilang sa mga tao: "O Allāh, sumpain Mo siya! Anong dami ng paghahatid sa kanya!" Kaya nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag ninyo siyang sumpain sapagkat sumpa man kay Allāh, ang nalaman ko ay na siya ay nagmamahal kay Allāh at sa Sugo Niya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
"Walang papasok sa Paraiso na isang palasabi-sabi."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Kaingat kayo sa pagpapalagay sapagkat tunay na ang pagpapalagay ay pinakasinungaling na pag-uusap. Huwag kayong maghanap ng kasiraan, huwag kayong maniktik, huwag kayong mag-inggitan, huwag kayong magtalikuran, at huwag kayong magmuhian. Maging mga lingkod ni Allāh kayo bilang magkakapatid."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.