Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

15 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"O mga tao, magbalik-loob kayo kay Allāh sapagkat tunay na ako ay nagbabalik-loob sa Kanya nang isandaang ulit sa isang araw."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Walang anumang mga taong tumatayo mula sa inupuan, na hindi umaalaala kay Allāh roon, malibang tatayo sila palayo sa tulad ng isang bangkay ng isang asno at ito para sa kanila ay magiging isang hinagpis."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
"Kapag nagsabi ang mu`adhdhin ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila, si Allāh ay pinakadakila.) saka nagsabi naman ang isa sa inyo ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ashhadu an lā ilāha illa –llāh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh) [saka] nagsabi naman siya ng: Ashhadu an lā ilāha illa –llāh; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ashhadu anna Muḥammadar rasūlu –llāh (Sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh) [saka] nagsabi naman siya ng: Ashhadu anna Muḥammadar rasūlu –llāh; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ḥayya `ala –ṣṣalāh (Halina sa ṣalāh) [saka] nagsabi naman siya ng: Lā ḥawla walā qūwata illā bi-llāh (Walang pagpapakilos at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh); pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ḥayya `ala –falāḥ (Halina sa tagumpay) [saka] nagsabi naman siya ng: Lā ḥawla walā qūwata illā bi-llāh (Walang pagpapakilos at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh); pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar [saka] nagsabi naman siya ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: lā ilāha illa –llāh [saka] nagsabi naman siya ng: lā ilāha illa –llāh, matapos niyon; papasok siya sa Paraiso."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{May mga taong kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Sugo ni Allāh, nakakuha ang mga may mga salapi ng mga pabuya. Nagdarasal sila kung paanong nagdarasal kami. Nag-aayuno sila kung paanong nag-aayuno kami. Nagkakawanggawa sila ng mga kalabisan ng mga yaman nila." Nagsabi siya: "At hindi ba gumawa na si Allāh para sa inyo ng ipangkakawanggawa ninyo? Tunay na sa bawat tasbīḥah ay may kawanggawa, sa bawat takbīrah ay may kawanggawa, sa bawat taḥmīdah ay may kawanggawa, at sa bawat tahlīlah ay may kawanggawa. Ang isang pag-uutos ng nakabubuti ay kawanggawa at ang isang pagsaway sa nakasasama ay kawanggawa. Sa pakikipagtalik ng isa sa inyo [sa maybahay] ay may kawanggawa." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, tutugon ba ang isa sa amin sa pagnanasa niya at magkakaroon siya dahil doon ng isang pabuya?" Nagsabi siya: "Naniwala ba kayo na kung sakaling naglagay siya nito sa isang bawal, magkakaroon ba siya roon ng isang kasalanan?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya gayon din kapag naglagay siya nito sa ipinahihintulot, magkakaroon siya ng pabuya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Kapag nakarinig kayo ng [adhān ng] mu'adhdhin, magsabi kayo ng tulad ng sinasabi niya. Pagkatapos dumalangin kayo ng basbas para sa akin sapagkat tunay na ang sinumang dumalangin para sa akin ng isang basbas, magbabasbas si Allāh sa kanya dahil doon ng sampung [basbas]. Pagkatapos hilingin ninyo kay Allāh para sa akin ang Kaparaanan sapagkat tunay na ito ay isang katayuan sa Paraiso, na hindi nararapat kundi para sa isang lingkod kabilang sa mga lingkod ni Allāh. Umaasa ako na ako ay maging siya; sapagkat ang sinumang humiling para sa akin ng Kaparaanan, mauukol para sa kanya ang Pamamagitan."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Ang sinumang nagsabi ng Lā ilāha illa ­–llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu ­–lmulku wa-lahu –lḥamd, wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay Makapangyarihan) nang sampung ulit, siya ay naging gaya ng sinumang nagpalaya ng apat na tao kabilang sa mga anak ni Ismael."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay minsang tumatahak sa daan ng Makkah saka naparaan siya sa isang bundok na tinatawag na Jumdān. Kaya nagsabi siya: "Tumahak kayo. Ito ay Jumdān. Nanguna ang mga tagapagbukod-tangi." Nagsabi sila: "Ano po ang mga tagapagbukod-tangi, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang mga lalaking tagapag-alaala kay Allāh nang madalas at ang mga babaing tagapag-alaala."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.