Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

10 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

"Ang sinumang nagsabi ng Subḥāna llāhi wa-biḥamdihi (Kaluwalhatian kay Allāh at kalakip ng papuri sa Kanya) nang isandaang ulit sa isang araw, aalisin sa kanya ang mga kamalian niya kahit pa ang mga ito ay tulad [ng dami] ng mga bula ng dagat."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Siya ay pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang demonyo ay humarang nga sa pagitan ko at ng ṣalāh ko at pagbigkas ko, habang nagpapatuliro nito sa akin." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Iyan ay demonyong tinatawag na Khinzab. Kaya kapag nakadama ka sa kanya, magpakamapagpakupkop ka kay Allāh laban sa kanya at lumura ka sa kaliwa mo nang tatlong ulit." Nagsabi ito: "Kaya gumawa ako niyon saka nag-alis niyon si Allāh sa akin."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa isinasaysay niya tungkol sa Panginoon niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Nagsabi siya: {Nagkasala ang isang tao ng isang pagkakasala kaya nagsabi ito: "O Allāh, magpatawad Ka sa akin ng pagkakasala ko." Kaya magsasabi naman Siya (napakamapagpala Siya at napakataas): "Nagkasala ang lingkod Ko ng isang pagkakasala saka nakaalam siya na mayroon siyang isang Panginoong nagpapatawad sa pagkakasala at nagpaparusa sa pagkakasala." Pagkatapos nanumbalik ito saka nagkasala ito saka nagsabi ito: "O Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin ng pagkakasala ko." Kaya magsasabi Siya (napakamapagpala Siya at napakataas): "Nagkasala ang lingkod Ko ng isang pagkakasala saka nakaalam siya na mayroon siyang isang Panginoong nagpapatawad sa pagkakasala at nagpaparusa sa pagkakasala. Gawin mo ang niloob mo sapagkat nagpatawad nga Ako sa iyo."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
Tunay na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pumunta sa kinaroroonan ng isang umpukan ng mga Kasamahan saka nagsabi: 'Ano ang nagpaupo sa inyo?' Nagsabi sila: 'Umupo kami na nag-aalaala kay Allāh at nagpupuri sa Kanya dahil nagpatnubay Siya sa amin sa Islām at nagmagandang-loob Siya nito sa amin.' Nagsabi siya: 'Sumpa man kay Allāh, walang nagpaupo sa inyo kundi iyan?' Nagsabi sila: 'Sumpa man kay Allāh, walang nagpaupo sa amin kundi iyan.' Nagsabi siya: 'Pansinin, tunay na ako ay hindi nagpasumpa sa inyo dala ng paghihinala sa inyo. Subalit pumunta sa akin si Anghel Gabriel saka nagpabatid sa akin na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagmamapuri sa inyo sa mga anghel.'"}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"O mga tao, magbalik-loob kayo kay Allāh sapagkat tunay na ako ay nagbabalik-loob sa Kanya nang isandaang ulit sa isang araw."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Kapag nagsabi ang mu`adhdhin ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila, si Allāh ay pinakadakila.) saka nagsabi naman ang isa sa inyo ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ashhadu an lā ilāha illa –llāh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh) [saka] nagsabi naman siya ng: Ashhadu an lā ilāha illa –llāh; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ashhadu anna Muḥammadar rasūlu –llāh (Sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh) [saka] nagsabi naman siya ng: Ashhadu anna Muḥammadar rasūlu –llāh; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ḥayya `ala –ṣṣalāh (Halina sa ṣalāh) [saka] nagsabi naman siya ng: Lā ḥawla walā qūwata illā bi-llāh (Walang pagpapakilos at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh); pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Ḥayya `ala –falāḥ (Halina sa tagumpay) [saka] nagsabi naman siya ng: Lā ḥawla walā qūwata illā bi-llāh (Walang pagpapakilos at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh); pagkatapos [kapag] nagsabi ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar [saka] nagsabi naman siya ng: Allāhu akbar, Allāhu akbar; pagkatapos [kapag] nagsabi ng: lā ilāha illa –llāh [saka] nagsabi naman siya ng: lā ilāha illa –llāh, matapos niyon; papasok siya sa Paraiso."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{May mga taong kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Sugo ni Allāh, nakakuha ang mga may mga salapi ng mga pabuya. Nagdarasal sila kung paanong nagdarasal kami. Nag-aayuno sila kung paanong nag-aayuno kami. Nagkakawanggawa sila ng mga kalabisan ng mga yaman nila." Nagsabi siya: "At hindi ba gumawa na si Allāh para sa inyo ng ipangkakawanggawa ninyo? Tunay na sa bawat tasbīḥah ay may kawanggawa, sa bawat takbīrah ay may kawanggawa, sa bawat taḥmīdah ay may kawanggawa, at sa bawat tahlīlah ay may kawanggawa. Ang isang pag-uutos ng nakabubuti ay kawanggawa at ang isang pagsaway sa nakasasama ay kawanggawa. Sa pakikipagtalik ng isa sa inyo [sa maybahay] ay may kawanggawa." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, tutugon ba ang isa sa amin sa pagnanasa niya at magkakaroon siya dahil doon ng isang pabuya?" Nagsabi siya: "Naniwala ba kayo na kung sakaling naglagay siya nito sa isang bawal, magkakaroon ba siya roon ng isang kasalanan?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya gayon din kapag naglagay siya nito sa ipinahihintulot, magkakaroon siya ng pabuya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Kapag nakarinig kayo ng [adhān ng] mu'adhdhin, magsabi kayo ng tulad ng sinasabi niya. Pagkatapos dumalangin kayo ng basbas para sa akin sapagkat tunay na ang sinumang dumalangin para sa akin ng isang basbas, magbabasbas si Allāh sa kanya dahil doon ng sampung [basbas]. Pagkatapos hilingin ninyo kay Allāh para sa akin ang Kaparaanan sapagkat tunay na ito ay isang katayuan sa Paraiso, na hindi nararapat kundi para sa isang lingkod kabilang sa mga lingkod ni Allāh. Umaasa ako na ako ay maging siya; sapagkat ang sinumang humiling para sa akin ng Kaparaanan, mauukol para sa kanya ang Pamamagitan."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.