Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

76 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"May dalawang uri ng mga maninirahan sa Impiyerno, na hindi ko nakita: mga taong mayroong mga latigong gaya ng mga buntot ng mga baka, na ipinamamalo nila sa mga tao; at mga babaing nakadamit na nakahubad, na mga nagpapakiling, na mga kumikiling, na ang mga ulo nila ay gaya ng mga nakakiling na mga umbok ng mga kamelyong Baktriyano. Hindi sila papasok sa Paraiso. Hindi sila makaaamoy ng halimuyak nito, kahit pa ang halimuyak nito ay talagang naaamoy mula sa layong ganito at ganito."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ang pithaya niya ay maging sunod sa inihatid ko."}
Nagsabi si An-Nawawīy: ḥadīth na tumpak Nagsalaysay kami nito sa Kitāb Al-Ḥujjah nang may isnād na tumpak.
"Ang mga gawain ay ayon sa layunin lamang. Ukol sa tao ang nilayon niya lamang. Kaya ang sinumang ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya, ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang sinumang ang paglikas niya ay para sa isang kamunduhan na tatamuhin niya o isang babaing pakakasalan niya, ang paglikas niya ay tungo sa inilikas niya."} Sa pananalita ni Imām Al-Bukhārīy: "Ang mga gawain ay ayon sa mga layunin lamang. Ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang. ..."
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad na isang landasing tuwid. Sa dalawang gilid ng landasin ay may dalawang pader. Sa dalawang ito ay may mga pintong pinagbubuksan. Sa mga pinto ay may mga tabing na pinalugay. Sa pinto ng landasin ay may isang tagapag-anyayang nagsasabi: 'O mga tao, pumasok kayo sa landasan nang lahatan at huwag kayong babaluktut-baluktot,' at may isang tagapag-anyayang nag-aanyaya mula sa ibabaw ng landasin, na kapag may nagnais magbukas ng anuman mula sa mga pintong iyon ay nagsasabi ito: 'Kalumbayan sa iyo! Huwag mong buksan iyan sapagkat tunay na ikaw, kung magbubukas niyan, ay lulusot ka riyan.' Ang landasin ay ang Islām. Ang dalawang pader ay ang mga hangganan ni Allāh. Ang mga pintong pinagbubuksan ay ang mga pagbabawal ni Allāh. Ang tagapag-anyayang iyon sa unahan ng landasin ay ang Aklat ni Allāh. Ang tagapag-anyaya mula sa ibabaw ng landasin ay ang tagapangaral ni Allāh sa puso ng bawat Muslim."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad.
{Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpaparami ng pagsasabi ng: "Ya muqalliba –lqulūbi, thabbit qalbī `alā dīnik. (O Tagapagbagu-bago ng mga puso, patatagin Mo ang puso ko sa Relihiyon Mo.)" Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, sumampalataya kami sa iyo at sa inihatid mo; kaya nangangamba ka po ba para sa amin?" Nagsabi siya: "Oo; tunay na ang mga puso ay nasa pagitan ng dalawang daliri mula sa mga daliri ni Allāh, na nagbabagu-bago Siya ng mga ito kung papaano Niyang niloloob."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad.
{Hindi nabusog ang mag-anak ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) magmula ng dumating siya sa Madīnah ng pagkaing trigo nang tatlong gabi nang magkakasunud-sunod hanggang sa kinuha siya.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang lahat ng kalipunan ko ay mapagpapaumanhinan maliban sa mga naglalantad [ng kasalanan]. Tunay na kabilang sa paglalantad [ng kasalanan] na gumawa ang tao sa gabi ng isang [masamang] gawain pagkatapos magpaumaga siya habang napagtakpan na siya ni Allāh roon saka magsabi naman siya: 'O Polano, nakagawa ako kahapon ng ganito at gayon,' habang nagpamagdamag nga siya habang napagtakpan na siya ng Panginoon niya at mag-uumaga siya na magbubunyag ng pinagtakpan ni Allāh sa kanya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nag-aabot ng kamay Niya sa gabi upang magbalik-loob ang tagagawa ng masagwa sa maghapon at nag-aabot ng kamay Niya sa maghapon upang magbalik-loob ang tagagawa ng masagwa sa gabi, hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanluran nito."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.