Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

6 sa 673 card

Alisin ang mga filter
{Noong nilikha ni Allāh ang Paraiso at ang Impiyerno, isinugo Niya si [Anghel] Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) sa Paraiso saka nagsabi Siya: "Tumingin ka roon at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya naman tumingin ito roon saka bumalik ito saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, walang makaririnig hinggil doon na isa man malibang papasok doon." Kaya nag-utos Siya hinggil doon saka pinaligiran iyon ng mga pahirap saka nagsabi Siya: "Pumunta ka roon saka tumingin ka roon at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano iyon ay pinaligiran na ng mga pahirap saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, talaga ngang natakot ako na walang makapasok doon na isa man." Nagsabi Siya: "Pumunta ka saka tumingin ka sa Impiyerno at sa inihanda Ko para sa mga maninirahan doon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano pumapatong ang isa sa bahagi [ng apoy] niyon sa isa pang bahagi kaya bumalik ito saka nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, walang papasok doon na isa man." Kaya nag-utos Siya hinggil doon saka pinaligiran iyon ng mga ninanasa saka nagsabi Siya: "Bumalik ka roon saka tumingin ka roon." Kaya tumingin ito roon saka walang anu-ano iyon ay pinaligiran ng mga ninanasa kaya bumalik ito at nagsabi ito: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, talaga ngang natakot ako na walang makaligtas mula roon na isa man malibang papasok doon."}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy.
{Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Nagsabi si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas): O Anak ni Adan, tunay na ikaw, hanggat dumalangin ka sa Akin at umasa ka sa Akin, magpapatawad Ako sa iyo sa anumang nasa iyo at hindi Ako papansin. O Anak ni Adan, kung sakaling umabot ang mga pagkakasala mo sa mga ulap ng langit, pagkatapos humingi ka ng tawad sa Akin, magpapatawad Ako sa iyo at hindi Ako papansin. O Anak ni Adan, kung sakaling nagdala ka sa Akin ng kasinglaki ng lupa na mga kamalian, pagkatapos nakipagkita ka sa Akin nang hindi nagtatambal sa Akin ng anuman, talagang maghahatid nga Ako sa iyo ng kasinglaki nito na kapatawaran."}
Maganda Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.
{Nakakita ako kay `Ammār bin Yāsir na pumasok sa masjid saka nagdasal saka nagpagaan ng pagdarasal. Noong nakalabas siya, tumayo ako papunta sa kanya saka nagsabi ako: "O Abu Al-Yaqḍ̆ān, talaga ngang nagpagaan ka [ng pagdarasal]." Nagsabi siya: "Nakakita ka kaya sa akin na nagkulang ako mula sa mga hangganan nito ng anuman?" Nagsabi ako: "Hindi." Nagsabi siya: "Tunay na ako ay nagdali-dali nito dahil sa pagpapalingat ng demonyo. Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: Tunay na ang tao ay talagang nagdarasal ng dasal, na hindi nagtala para sa kanya mula rito [bilang gantimpala] kundi ng ikapu nito, ikasiyam nito, ikawalo nito, ikapito nito, ikaanim nito, ikalima nito, ikaapat nito, ikatlo nito, kalahati nito."}
Maganda Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad.
{Noong bumaba ang (Qur'ān 102:8): {Pagkatapos talagang tatanungin nga kayo sa Araw na iyon tungkol sa kaginhawahan.}, nagsabi si Az-Zubayr: "O Sugo ni Allāh, alin pong kaginhawahan ang tatanungin kami tungkol doon? Ang dalawang ito ay ang dalawang itim lamang: ang datiles at ang tubig." Nagsabi siya: "Ngunit tunay na ito ay mangyayari."}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Ibnu Mājah.
"Magwalang-halaga ka sa Mundo, iibig sa iyo si Allāh; at magwalang-halaga ka sa anumang nasa ganang mga tao, iibig sa iyo ang mga tao."}
Nagsabi si An-Nawawīy: ḥadīth na maganda Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Mājah at ang iba pa sa kanya sa mga magandang isnād.
"Hindi natitigil ang pagsubok sa lalaking mananampalataya at babaing mananampalataya sa sarili niya, anak niya, at yaman niya, hanggang sa makitagpo siya kay Allāh habang sa kanya ay walang kasalanan."}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad.