Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

52 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

{Ang higaan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay mula sa balat at ang ipinalaman dito ay mula sa himaymay.} Batay naman kay Imām: {Ang inuunanan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na sinasandalan niya, ay mula sa balat na ang ipinalaman dito ay himaymay.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Tunay na ang ipinahihintulot ay malinaw at tunay na ang ipinagbabawal ay malinaw. Sa pagitan ng dalawang ito ay may mga mapaghihinalaan, na hindi nakaaalam sa mga ito ang marami sa mga tao. Ang sinumang nangilag sa mga mapaghihinalaan ay nakapag-ingat para sa relihiyon niya at dangal niya. Ang sinumang nasadlak sa mga mapaghihinalaan ay nasadlak sa ipinagbabawal, gaya ng pastol na nagpapastol sa paligid ng isang kanlungan, na halos magpanginain siya roon. Pansinin at tunay na bawat hari ay may kanlungan. Pansinin at tunay na ang kanlungan ni Allāh ay ang mga pagbabawal Niya. Pansinin at tunay na sa katawan ay may isang kimpal na laman na kapag umayos ay aayos ang katawan sa kabuuan nito at kapag nasira ito ay masisira ang katawan sa kabuuan nito. Pansinin at ito ay ang puso."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
"Ang sinumang sumaksi na walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: nang walang katambal sa Kanya; na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya; na si Jesus ay lingkod ni Allāh, sugo Niya, salita Niya na ipinarating Niya kay Maria, at isang espiritu mula sa Kanya; at [sumaksi na] ang Paraiso ay totoo at ang Impiyerno ay totoo; magpapapasok sa kanya si Allāh sa Paraiso ayon sa anumang [nasa kanya] na gawa."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
Maghahatid sa isang lalaki sa Araw ng Pagbangon saka itatapon ito sa Impiyerno saka makalalabas ang mga bituka ng tiyan niya saka iikot siya kasabay ng mga ito kung paanong umiikot ang asno sa giikan. Kaya magtitipon sa kanya ang mga maninirahan sa Impiyerno saka magsasabi sila: "O Polano, ano ang nangyari sa iyo? Hindi ba ikaw noon ay nag-uutos ng nakabubuti at sumasaway ng nakasasama?" Kaya magsasabi siya: "Oo; ako nga noon ay nag-uutos ng nakabubuti at hindi nagsasagawa nito at nagsasaway ng nakasasama at nagsasagawa nito."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.