Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

52 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

"Tunay na ang ipinahihintulot ay malinaw at tunay na ang ipinagbabawal ay malinaw. Sa pagitan ng dalawang ito ay may mga mapaghihinalaan, na hindi nakaaalam sa mga ito ang marami sa mga tao. Ang sinumang nangilag sa mga mapaghihinalaan ay nakapag-ingat para sa relihiyon niya at dangal niya. Ang sinumang nasadlak sa mga mapaghihinalaan ay nasadlak sa ipinagbabawal, gaya ng pastol na nagpapastol sa paligid ng isang kanlungan, na halos magpanginain siya roon. Pansinin at tunay na bawat hari ay may kanlungan. Pansinin at tunay na ang kanlungan ni Allāh ay ang mga pagbabawal Niya. Pansinin at tunay na sa katawan ay may isang kimpal na laman na kapag umayos ay aayos ang katawan sa kabuuan nito at kapag nasira ito ay masisira ang katawan sa kabuuan nito. Pansinin at ito ay ang puso."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
Kapag nakapasok sa Paraiso ang maninirahan sa Paraiso, magsasabi si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas): "Nagnanais ba kayo ng isang bagay na idadagdag Ko sa inyo?" Kaya magsasabi sila: "Hindi ba nagpaputi Ka ng mga mukha namin? Hindi ba nagpapasok Ka sa amin sa Paraiso at nagligtas Ka sa amin mula sa Impiyerno?" Kaya maghahawi Siya ng tabing. Kaya naman hindi sila nabigyan ng anumang higit na kaibig-ibig sa kanila kaysa pagtingin sa Panginoon nila (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Nagsabi ako: "O Sugo, ni Allāh, magsabi ka sa akin kaugnay sa Islām ng isang masasabing hindi ako makapagtatanong tungkol doon sa isang iba pa sa iyo." Nagsabi siya: "Magsabi ka: Sumampalataya ako kay Allāh, pagkatapos magpakatuwid ka."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Muslim at Imām Aḥmad.
"Ang mga gawain ay ayon sa mga layunin lamang. Ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang. Kaya ang sinumang ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya, ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang sinumang ang paglikas niya ay para sa kamunduhan na tatamuhin niya o sa isang babaing pakakasalan niya, ang paglikas niya ay tungo sa inilikas niya."}
Tumpak Nagsalaysay nito ang dalawang Imām ng mga Muḥaddith, sina Abū `Abdillāh Muḥammad bin Ismā`īl bin Ibrāhīm bin Al-Mughīrah bin Bardizbah Al-Bukhārīy at Abu Al-Ḥusayn Muslim bin Al-Ḥajjāj bin Muslim Al-Qushayrīy An-Naysābūrīy, sa dalawang Ṣaḥīḥ nilang dalawa na siyang pinakatumpak sa mga inakdaang aklat.
"Huwag ngang mamamatay ang isa sa inyo malibang habang siya ay nagpapaganda ng palagay kay Allāh."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa tingin ng pagkabigla kaya nag-utos siya sa akin na magbaling ako ng paningin ko.}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Tunay na ang Mundo ay matamis na luntian at tunay na si Allāh ay nagsasakahalili sa inyo rito, kaya tumitingin Siya kung papaano kayong gumagawa. Kaya mangilag kayong magkasala sa Mundo at mangilag kayo sa mga babae sapagkat tunay na ang unang tukso sa mga anak ni Israel ay sa mga babae."
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Hindi ako mag-iiwan matapos ko ng isang tukso na higit na mapinsala sa mga lalaki kaysa sa mga babae."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.