Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

114 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Tagapagsalaysay

Ipakita ang lahat ng tagapagsalaysay (54)
"Umiwas kayo sa pitong tagapagpasawi." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, at ano po ang mga ito?" Nagsabi siya: "Ang pagtatambal kay Allāh, ang panggagaway, ang pagpatay sa kaluluwang ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa katwiran, ang pagkain ng patubo, ang pagkain ng yaman ng ulila, ang pagtalikod sa araw ng labanan, at ang paninirang-puri sa mga malinis na nakapag-asawang babae, na mga mananampalataya, na mga inosente."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"May mananawagang isang tagapanawagan: Tunay na ukol sa inyo na lumusog kayo saka hindi kayo magkakaramdaman magpakailanman. Tunay na ukol sa inyo na mabuhay kayo saka hindi kayo mamatay magpakailanman. Tunay na ukol sa inyo na bumata kayo saka hindi kayo tumanda magpakailanman. Tunay na ukol sa inyo na guminhawa kayo saka hindi kayo magmiserable magpakailanman." Kaya iyon ang sabi Niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {Tatawagin sila: "Iyon ay ang Paraiso; ipinamana sa inyo iyon dahil sa dati ninyong ginagawa."} (Qur’ān 7:43)
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Walang pagkahawa, walang kamalasang nakaugnay sa isang ibon, ni sa isang kuwago, ni sa [buwan ng] Ṣafar. Tumakas ka mula sa ketongin kung paanong tumatakas ka mula sa leyon."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang paghahalintulad lamang sa kapisang maayos at kapisan ng kasagwaan ay gaya ng tagalako ng pabangong musk at tagaihip ng bubulusan. Ang tagalako ng musk ay maaari na mag-aginaldo sa iyo, maaari na bumili ka mula sa kanya, at maaari na makaamoy ka mula sa kanya ng isang kaaya-ayang halimuyak samantalang ang tagaihip ng bubulusan ay maaari na makasunog ng mga damit mo at maaari na makaamoy ka ng isang karima-rimarim na halimuyak."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay hindi natutulog at hindi nararapat para sa Kanya na matulog. Nagbababa Siya ng timbangan at nag-aangat Siya nito. Inaangat sa Kanya ang ginawa sa gabi bago ng ginawa sa maghapon at ang ginawa sa maghapon bago ng ginawa sa gabi. Ang tabing Niya ay ang liwanag." – sa isang salaysay: "ang apoy" – "Kung sakaling humawi Siya nito, talagang sumunog sana ang mga kaluwalhatian ng mukha Niya sa anumang pinagwakasan ng paningin Niya mula sa nilikha Niya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Ang pagkadalisay ay kalahati ng pananampalataya. Ang [pagsasabi ng:] alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa timbangan [ng mga gawa]. Ang [pagsasabi ng:] subḥāna -llāh (kaluwalhatian kay Allāh) at alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa nasa pagitan ng mga langit at lupa. Ang pagdarasal ay liwanag. Ang kawanggawa ay patotoo. Ang pagtitiis ay tanglaw. Ang Qur'ān ay katwiran para sa iyo o laban sa iyo. Ang bawat isa sa mga tao ay maagang lumilisan saka nagtitinda ng sarili niya kaya nagpapalaya nito o nagpapahamak nito."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Hindi pumuno ang isang tao ng isang sisidlang higit na masama kaysa sa isang tiyan. Kasapatan sa anak ni Adan na may mga makakaing magtatayo sa likod niya; saka kung naging hindi posible, isang sangkatlo ay para sa pagkain niya, isang sangkatlo ay para sa inumin niya, at isang sangkatlo ay para sa paghinga niya."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, at Imām Ibnu Mājah.
"Allāhumma innī as’aluka mina -lkhayri kullih, `ājilihi wa-ājilihi, mā `alimtu minhu wa-mā lam a`lam; wa-a`ūdhu bika mina -shsharri kullihi, `ājilihi wa-ājilihi, mā `alimtu minhu wa-mā lam a`lam. Allāhumma innī as’aluka min khayri mā sa’alaka `abduka wa-nabīyuka, wa-a`ūdhu bika min sharri mā `ādha bihi `abduka wa-nabīyuka. Allāhumma innī as’aluka -ljannata wa-mā qarraba ilayhā min qawlin aw `amalin, wa-a`ūdhu bika mina -nnāri wa-mā qarraba ilayhā min qawlin aw `amal, wa-as’aluka an taj`ala kulla qaḍā’in qaḍaytahu lī khayrā. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo mula sa kabutihan sa kabuuan nito, madalian nito at matagalan nito, na nalaman ko mula rito at hindi ko nalaman; at nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan sa kabuuan nito, madalian nito at matagalan nito, na nalaman ko mula rito at hindi ko nalaman. O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo mula sa kabutihan ng anumang humiling nito sa Iyo ang Lingkod Mo at ang Propeta Mo; at nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan ng anumang nagpakanlong dahil dito ang Lingkod Mo at ang Propeta Mo. O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng Paraiso at anumang nagpapalapit doon na sinasabi o ginagawa; nagpapakupkop sa Iyo laban sa Impiyerno at anumang nagpapalapit doon na sinasabi o ginagawa; at humihiling sa Iyo na gumawa Ka sa bawat pagtatadhanang itinadhana Mo bilang kabutihan para sa akin.)"}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Ibnu Mājah at Imām Aḥmad.