Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

114 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Tagapagsalaysay

Ipakita ang lahat ng tagapagsalaysay (54)
"Walang umupong mga tao sa isang pagtitipon, na hindi sila nag-alaala kay Allāh roon at hindi sila dumalangin ng basbas para sa Propeta nila, malibang may magiging ukol sa kanila na isang hinagpis. Kung loloobin Niya, pagdurusahin Niya sila; at kung loloobin Niya, patatawarin Niya sila."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā.
"May dalawang uri ng mga maninirahan sa Impiyerno, na hindi ko nakita: mga taong mayroong mga latigong gaya ng mga buntot ng mga baka, na ipinamamalo nila sa mga tao; at mga babaing nakadamit na nakahubad, na mga nagpapakiling, na mga kumikiling, na ang mga ulo nila ay gaya ng mga nakakiling na mga umbok ng mga kamelyong Baktriyano. Hindi sila papasok sa Paraiso. Hindi sila makaaamoy ng halimuyak nito, kahit pa ang halimuyak nito ay talagang naaamoy mula sa layong ganito at ganito."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Ang kuripot ay ang sinumang nabanggit ako sa piling niya ngunit hindi siya dumalangin ng basbas sa akin."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā, at Imām Aḥmad.
"Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ang pithaya niya ay maging sunod sa inihatid ko."}
Nagsabi si An-Nawawīy: ḥadīth na tumpak Nagsalaysay kami nito sa Kitāb Al-Ḥujjah nang may isnād na tumpak.
"Ang mga gawain ay ayon sa layunin lamang. Ukol sa tao ang nilayon niya lamang. Kaya ang sinumang ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya, ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang sinumang ang paglikas niya ay para sa isang kamunduhan na tatamuhin niya o isang babaing pakakasalan niya, ang paglikas niya ay tungo sa inilikas niya."} Sa pananalita ni Imām Al-Bukhārīy: "Ang mga gawain ay ayon sa mga layunin lamang. Ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang. ..."
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang sinumang tumuloy sa isang tuluyan pagkatapos nagsabi ng: A`ūdhu bi-kalimāti -llāhi -ttāmmāti min sharri mā khalaq (Nagpapakupkop ako sa mga ganap na salita ni Allāh laban sa kasamaan ng anumang nilikha Niya), hindi siya pipinsalain ng anuman hanggang sa lumisan siya sa tuluyan niyang iyon."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad na isang landasing tuwid. Sa dalawang gilid ng landasin ay may dalawang pader. Sa dalawang ito ay may mga pintong pinagbubuksan. Sa mga pinto ay may mga tabing na pinalugay. Sa pinto ng landasin ay may isang tagapag-anyayang nagsasabi: 'O mga tao, pumasok kayo sa landasan nang lahatan at huwag kayong babaluktut-baluktot,' at may isang tagapag-anyayang nag-aanyaya mula sa ibabaw ng landasin, na kapag may nagnais magbukas ng anuman mula sa mga pintong iyon ay nagsasabi ito: 'Kalumbayan sa iyo! Huwag mong buksan iyan sapagkat tunay na ikaw, kung magbubukas niyan, ay lulusot ka riyan.' Ang landasin ay ang Islām. Ang dalawang pader ay ang mga hangganan ni Allāh. Ang mga pintong pinagbubuksan ay ang mga pagbabawal ni Allāh. Ang tagapag-anyayang iyon sa unahan ng landasin ay ang Aklat ni Allāh. Ang tagapag-anyaya mula sa ibabaw ng landasin ay ang tagapangaral ni Allāh sa puso ng bawat Muslim."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad.
"Tunay na si Allāh ay Kaaya-aya, na hindi tumatanggap kundi ng kaaya-aya. Tunay na si Allāh ay nag-utos sa mga mananampalataya ng iniutos Niya sa mga isinugo sapagkat nagsabi Siya (napakataas Siya): {O mga sugo, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay at gumawa kayo ng maayos. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam.} (Qur'ān 23:51) at nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {O mga sumampalataya, kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos sa inyo.} (Qur'ān 2:172) Pagkatapos binanggit niya ang lalaki – na nagpapahaba ng paglalakbay, na nagulo [ang buhok], na naalikabukan, na nag-uunat ng mga kamay niya papunta sa langit – [habang nananalangin]: "O Panginoon ko, O Panginoon ko," samantalang ang kinakain niya ay bawal, ang iniinom niya ay bawal, ang isinusuot niya ay bawal, na pinakakain sa bawal, kaya paanong tutugunin siya roon?"}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.