Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

114 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Tagapagsalaysay

Ipakita ang lahat ng tagapagsalaysay (54)
"Huwag ngang mamamatay ang isa sa inyo malibang habang siya ay nagpapaganda ng palagay kay Allāh."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa tingin ng pagkabigla kaya nag-utos siya sa akin na magbaling ako ng paningin ko.}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Iwasan ninyo ang kasalaulaang ito na sumaway si Allāh laban dito. Kaya ang sinumang nakagawa nito ay magpatakip siya ng pagtatakip ni Allāh at magbalik-loob siya kay Allāh sapagkat tunay na ang sinumang naglantad sa atin ng pagkasalarin niya, magpapatupad tayo sa kanya ng Aklat ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Al-Ḥākim at Imām Al-Bayhaqīy.
"Tunay na ang Mundo ay matamis na luntian at tunay na si Allāh ay nagsasakahalili sa inyo rito, kaya tumitingin Siya kung papaano kayong gumagawa. Kaya mangilag kayong magkasala sa Mundo at mangilag kayo sa mga babae sapagkat tunay na ang unang tukso sa mga anak ni Israel ay sa mga babae."
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Tunay na ang mga puso ng mga anak ni Adan, ang lahat ng mga ito, ay nasa pagitan ng dalawang daliri ng [Panginoong] Napakamaawain gaya ng iisang puso, na nagbabaling-baling Siya nito saan man Niya loloobin." Pagkatapos nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Allāhumma muṣarrifa -lqulūbi ṣarrif qulūbanā `alā ṭā`atik. (O Allāh, ang Tagapagpatnugot ng mga puso, magpatnugot sa ng mga puso namin sa pagtalima sa Iyo)."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Hindi ako mag-iiwan matapos ko ng isang tukso na higit na mapinsala sa mga lalaki kaysa sa mga babae."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Tinanong ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Paraiso, kaya naman nagsabi siya: "Ang pangingilag magkasala kay Allāh at ang kagandahan ng kaasalan." Tinanong siya tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Impiyerno, kaya naman nagsabi siya: "Ang bibig at ang ari."}
Magandang tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
{Ako minsan ay nakaupo kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang may dalawang lalaking nag-aalipustaan. Ang isa sa kanila ay namula ang mukha niya at namintog ang mga ugat niya sa leeg. Kaya naman nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay talagang nakaaalam ng isang pangungusap na kung sakaling sinabi niya ay aalis palayo sa kanya ang ikinangingitngit niya. Kung sakaling nagsabi siya ng: A`ūdhu bi-llāhi mina -shhayṭān (Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa demonyo), maaalis palayo sa kanya ang ikinangingitngit niya." Kaya nagsabi sila rito: "Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: Magpakapalakupkop ka kay Allāh laban sa demonyo." Kaya nagsabi ito: "Sa akin kaya ay may kabaliwan?"}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.