Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

81 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

"Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nag-aabot ng kamay Niya sa gabi upang magbalik-loob ang tagagawa ng masagwa sa maghapon at nag-aabot ng kamay Niya sa maghapon upang magbalik-loob ang tagagawa ng masagwa sa gabi, hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanluran nito."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Rabbi -ghfir lī khaṭī’atī wa-jahlī wa-isrāfī fī amrī kullihi wa-mā anta a`lamu bihi minnī. Allāhumma -ghfir lī khaṭāyāya wa-`amdī wa-jahlī wa-hazlī wa-kullu dhālika `indī. Allāhumma -ghfir lī mā qaddamtu wa-mā akhkhartu, wa-mā asrartu wa-mā a`lantu. Anta -lmuqaddimu wa-anta -lmu’akhkhiru, wa-anta `alā kulli shay’in qadīr. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa pagkakamali ko, pagkamangmang ko, pagpapakalabis ko sa nauukol sa akin sa kabuuan nito, at anumang Ikaw ay higit na nakaaalam niyon kaysa sa akin. O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa mga pagkakamali ko, pananadya ko, pagkamangmang ko, at pagbibiro ko. Ang lahat ng iyon ay sa ganang akin. O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa anumang ipinauna ko at anumang ipinahuli ko, at anumang inilihim ko at anumang inihayag ko. Ikaw ay ang Tagapagpauna at Ikaw ay ang Tagapagpahuli. Ikaw sa bawat bagay ay May-kakayahan.)"}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Huwag magsabi ang isa sa inyo: O Allāh, magpatawad Ka sa akin kung niloob Mo, maawa Ka sa akin kung niloob Mo, at magtustos Ka sa akin kung niloob Mo. Magtika ito sa paghiling nito.Tunay na Siya ay gumagawa ng niloloob Niya; walang tagapilit sa Kanya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Kapag pumasok ang lalaki sa bahay nito saka bumanggit siya kay Allāh sa sandali ng pagpasok niya at sa sandali ng pagkain niya, magsasabi ang Demonyo [sa mga kampon nito]: 'Walang pagmamagdamagan para sa inyo at walang hapunan para sa inyo.' Kapag naman pumasok siya saka hindi siya bumanggit kay Allāh sa sandali ng pagpasok niya, magsasabi ang Demonyo [sa mga kampon nito]: 'Nakamit ninyo ang pagmamagdamagan.' Kapag hindi siya bumanggit kay Allāh sa sandali ng pagkain niya, magsasabi ito: 'Nakamit ninyo ang pagmamagdamagan at ang hapunan.'"}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{May pumuntang isang Arabeng Disyerto sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Magturo ka sa akin ng isang pananalitang sasabihin ko." Nagsabi siya: "Sabihin mo: Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Allāhu akbar kabīrā. Alḥamdu lillāhi kathīrā. Subḥāna -­llāhi rabbi­ -l`ālamīn. Lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāhi ­l`azīzi lḥakīm. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Si Allāh ay pinakadakila sa pagkadaki-dakila. Ang papuri ay ukol kay Allāh sa pagkarami-rami. Kaluwalhatian kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong). Nagsabi ito: "Ang mga ito ay para sa Panginoon ko at ano naman ang para sa akin?" Nagsabi siya: "Sabihin mo: Allāhumma -ghfir lī, wa-hdinī, wa-rḥamnī, wa-rzuqnī. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin, magpatnubay Ka sa akin, maawa Ka sa akin, at magtustos Ka sa akin.)"}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"O mga tao, tunay na si Allāh ay Kaaya-aya, na hindi tumatanggap kundi ng kaaya-aya. Tunay na si Allāh ay nag-utos sa mga mananampalataya ng iniutos Niya sa mga isinugo sapagkat nagsabi Siya (Qur'ān 23:51): {O mga sugo, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay at gumawa kayo ng maayos. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam.} at nagsabi pa Siya (Qur'ān 2:172): {O mga sumampalataya, kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos sa inyo.} Pagkatapos binanggit niya ang lalaki, na nagpapahaba ng paglalakbay, na nagulo [ang buhok], na naalikabukan, na nag-uunat ng mga kamay niya patungo sa langit [habang nananalangin]: "O Panginoon ko, O Panginoon ko," samantalang ang kinakain nito ay bawal, ang iniinom nito ay bawal, ang isinusuot nito ay bawal, na pinakakain sa bawal, kaya paanong tutugunin ito roon?"}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"May mga binabalik-balikang hindi nabibigo ang tagapagsabi ng mga ito – o ang tagagawa ng mga ito – sa katapusan ng bawat ṣalāh na iniatas: Tatlumpu't tatlong pagluluwalhati, tatlumpu't tatlong pagpapapuri, at tatlumpu't apat na pagdadakila."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Kami noon ay kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang nakarinig siya ng isang lagapak. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nakaaalam ba kayo kung ano ito?" Nagsabi kami: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam." Nagsabi siya: "Ito ay isang batong itinapon sa Impiyerno magmula ng pitumpung taon. Ito ay lumalagpak sa Impiyerno ngayon hanggang sa nagwakas ito sa kalaliman niyon."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.