Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

81 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

"Tunay na si Allāh ay hindi tumitingin sa mga anyo ninyo ni sa mga ari-arian ninyo subalit tumitingin Siya sa mga puso ninyo at mga gawa ninyo."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Tunay na ang mga mananampalataya sa Paraiso ay talagang may isang kubol na yari sa iisang perlas na ginuwang, na ang haba nito ay animnapung milya. Ang mga mananampalataya rito ay may mga asawa. Lilibot sa kanila ang mananampalataya ngunit hindi makakikita ang isa't isa sa kanila."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ako ay maging higit na iniibig sa kanya kaysa sa magulang niya, anak niya, at mga tao sa kalahatan."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Paghanga ay ukol sa lagay ng mananampalataya! Tunay na ang lagay niya sa kabuuan nito ay kabutihan. Iyan ay hindi ukol sa isa man kundi sa mananampalataya. Kung may dumapo sa kanya na kariwasaan, nagpapasalamat siya kaya ito ay naging kabutihan para sa kanya; at kung may dumapo sa kanya na kariwaraan, nagtitiis siya kaya ito ay naging kabutihan para sa kanya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Si Fāṭimah (malugod si Allāh sa kanya) ay pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na dumadaing sa kanya ng natatagpuan nito sa kamay nito dahil sa gilingang bato. Umabot dito na may dumating sa kanya na alipin ngunit hindi ito nakasumpong sa kanya kaya bumanggit ito niyon kay `Ā'ishah. Kaya noong dumating siya, nagpabatid sa kanya si `Ā'ishah. Nagsabi naman si `Alīy: "Saka dumating siya sa amin noong nakahiga na kami sa mga higaan namin saka kumilos kami upang bumangon ngunit nagsabi siya: 'Manatili sa kinalalagyan ninyong dalawa.' Dumating siya saka umupo sa pagitan ko at nito hanggang sa nakaramdam ako ng lamig ng mga paa niya sa tiyan ko saka nagsabi siya: 'Hindi ba ako maggagabay sa inyong dalawa sa higit na mabuti kaysa sa hiniling ninyong dalawa? Kapag humiga kayong dalawa sa mga higaan ninyong dalawa o pumunta kayong dalawa sa kama ninyong dalawa, magluwalhati kayong dalawa nang tatlumpu't tatlo, magpuri kayong dalawa nang tatlumpu't tatlo, at magdakila kayong dalawa nang talumpu't apat sapagkat ito ay higit na mabuti para sa inyong dalawa kaysa sa isang utusan.'"}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa sandali ng pighati: "Lā ilāha illā -llāhu -l`aḍ̆īmu -lḥalīm. Lā ilāha illā -llāhu rabbu -l`arshi -l`aḍ̆īm. Lā ilāha illā -llāhu rabbu -ssamawāti wa-rabbu -l'arḍi wa-rabbu -l`arshi -lkarīm. (Walang Diyos kundi si Allāh, ang Sukdulan, ang Matimpiin. Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng tronong sukdulan. Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng mga langit at ang Panginoon ng lupa at ang Panginoon ng tronong marangal.)"}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{May magdadala sa kamatayan gaya sa anyo ng isang puti't itim na lalaking tupa saka may mananawagang isang tagapanawagan: "O mga maninirahan sa Paraiso," kaya dudunghal sila at titingin sila saka magsasabi naman ito: "Nakakikilala kaya kayo rito?" Kaya magsasabi sila: "Oo; iyan ay ang Kamatayan." Ang kabuuan sa kanila ay makakikita nga niyon. Pagkatapos mananawagan ito: "O mga maninirahan sa Impiyerno," kaya dudunghal sila at titingin sila saka magsasabi naman ito: "Nakakikilala kaya kayo rito?" Kaya magsasabi sila: "Oo; iyan ay ang Kamatayan." Ang kabuuan sa kanila ay makakikita nga niyon. Saka kakatayin iyon, pagkatapos magsasabi ito: "O mga maninirahan sa Paraiso, pananatili [sa Paraiso] sapagkat wala nang kamatayan. O mga maninirahan sa Impiyerno, pananatili [sa Impiyerno] sapagkat wala nang kamatayan." Pagkatapos bumigkas siya: "Magbabala ka sa kanila ng Araw ng Panghihinayang kapag napagpasyahan ang usapin habang sila ay nasa isang pagkalingat, ..." (Qur'ān 19:39) Ang mga ito, habang nasa isang pagkalingat, ay ang mga naninirahan sa Mundo: "sila ay hindi sumasampalataya." (Qur'ān 19:39)}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang sinumang humiling kay Allāh ng kamartiran nang tapat, magpapaabot sa kanya si Allāh sa mga katayuan ng mga martir., kahit pa namatay siya sa higaan niya."
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.