Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

14 sa 673 card

Alisin ang mga filter
{Hindi nangyaring ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-iiwan ng mga panalanging ito kapag gumagabi at kapag nag-uumaga: "Allāhumma innī as’aluka -l`āfiyata fi -ddunyā wa-l’ākhirah. Allāhumma innī as’aluka -l`afwa wa-l`āfiyata fī dīnī wa-dunyāya wa-ahlī wa-mālī. Allāhumma -stur `awratī (o: `awrātī) wa-āmin raw`ātī. Allāhumma -ḥfaḏnī mim bayni yadayya wa-min khalfī wa-`an yamīnī wa-`an shimālī wa-min fawqī, wa-a`ūdhu bi-`aḏamatika an ughtāla min taḥtī. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng kagalingan sa Mundo at Kabilang-buhay. O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng paumanhin at kagalingan sa buhay panrelihiyon ko, buhay pangmundo ko, mag-anak ko, at ari-arian ko. O Allāh, pagtakpan Mo ang kahihiyan ko (o: ang mga kahihiyan ko) at patiwasayin Mo ang mga pangingilabot ko. O Allāh, ingatan Mo ako mula sa harapan ko at sa likuran ko, sa dakong kanan ko at sa dakong kaliwa ko, at mula sa itaas ko. Nagpapakupkop ako sa kadakilaan Mo na hindi ako paslangin mula sa ilalim ko.)"}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
Siya noon ay nagsasabi kapag inumaga siya: "Allāhumma bika aṣbaḥnā, wa-bika amsaynā, wa-bika naḥyā, wa-bika namūt, wa-ilayka -nnushūr. (O Allāh, sa pamamagitan Mo ay inumaga kami, sa pamamagitan Mo ay ginabi kami, sa pamamagitan Mo ay nabubuhay kami, sa pamamagitan Mo ay mamamatay kami, at tungo sa Iyo ang pagkabuhay.)" Kapag ginabi siya, nagsasabi siya: "[Allāhumma] bika amsaynā, wa-bika aṣbaḥnā, wa-bika naḥyā, wa-bika namūt, wa-ilayka -nnushūr. ([O Allāh,] sa pamamagitan Mo ay ginabi kami, sa pamamagitan Mo ay inumaga kami, sa pamamagitan Mo ay nabubuhay kami, sa pamamagitan Mo ay mamamatay kami, at tungo sa Iyo ang pagkabuhay.)" Nagsabi naman siya sa ibang pagkakataon: "... wa-ilayka -lmaṣīr (... at tungo sa Iyo ang kahahantungan.)"}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā, at Imām Ibnu Mājah.
"Ang panalangin ay hindi tinatanggihan sa pagitan ng adhān at iqāmah."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy.
"Ang sinumang kumain ng pagkain saka nagsabi: Alḥamdu lillāhi –­lladhī aṭ`amanī hādhā, wa-razaqanīhi min ghayri ḥawlim minnī wa-lā qūwah (Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpakain sa akin nito at nagtustos sa akin nito nang walang kapangyarihan mula sa akin ni lakas), magpapatawad sa kanya sa nauna sa pagkakasala niya."}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Walang umupong mga tao sa isang pagtitipon, na hindi sila nag-alaala kay Allāh roon at hindi sila dumalangin ng basbas para sa Propeta nila, malibang may magiging ukol sa kanila na isang hinagpis. Kung loloobin Niya, pagdurusahin Niya sila; at kung loloobin Niya, patatawarin Niya sila."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā.
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasakaibig-ibig ng mga masaklaw na panalangin at nag-iiwan ng bukod pa roon.}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām Aḥmad.