Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

25 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

"Tunay na si Allāh ay talagang nalulugod sa tao na kumain ito ng pagkain para magpuri sa Kanya dahil doon o uminom ito ng inumin para magpuri sa Kanya dahil doon."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Ang Muslim ay ang sinumang naligtas ang mga Muslim mula sa dila niya at kamay niya. Ang tagalikas ay ang sinumang umiwan ng sinaway ni Allāh."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ako minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang paglalakbay saka bumaba ako upang magtanggal ng khuff niya ngunit nagsabi siya: "Hayaan mo iyan sapagkat tunay na ako ay nagpasok niyan [sa paa] habang dalisay pa." Kaya nagpahid siya rito.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Kapag kumain ang isa sa inyo, kumain siya sa pamamagitan ng kanang kamay niya; at kapag uminom siya, uminom siya sa pamamagitan ng kanang kamay niya; sapagkat tunay na ang demonyo ay kumakain sa pamamagitan ng kaliwang kamay niya at umiinom sa pamamagitan ng kaliwang kamay niya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Kapag humikab ang isa sa inyo, magpigil siya sa pamamagitan ng kamay niya sa bibig niya sapagkat tunay na ang demonyo ay pumapasok."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Ang karapatan ng Muslim sa Muslim ay lima: ang pagtugon sa pagbati, ang pagdalaw sa maysakit, ang pagdalo sa libing, ang pagtugon sa paanyaya, at ang pagsambit ng tashmīt sa bumahin."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Hindi titingin ang lalaki sa kahubaran ng lalaki, ni ang babae sa kahubaran ng babae. Hindi tatabi ang lalaki sa lalaki sa iisang kumot, ni tatabi ang babae sa babae sa iisang kumot."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay lumabas sa amin saka nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, nakaalam na kami kung papaano kaming babati sa iyo kaya naman papaano kaming dadalangin ng basbas sa iyo?" Nagsabi siya: "Kaya magsabi kayo: Allāhumma ṣalli `alā muḥammadin wa-`alā āli Muḥammad, kamā ṣallayta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. Allāhumma bārik `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammad, kamā bārakta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal. O Allāh, biyayaan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbiyaya Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal.)"}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.