Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

60 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"Tunay na ang mga nagpapakamakatarungan ay sa piling ni Allāh sa mga pulpito ng liwanag sa dakong kanan ng Pinakamaawain (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) – at ang kapwa mga kamay niya ay kanan. [Sila] ang mga nagmamakatarungan sa hatol nila, mga mag-anak nila, at tinangkilik nila."
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Tunay na kabilang sa naabutan ng mga tao mula sa pananalita ng unang pagkapropeta: Kapag hindi ka nahiya, gawin mo ang niloob mo."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
"Walang anuman na higit na mabigat sa timbangan ng mananampalataya sa Araw ng Pagbangon kaysa sa magandang kaasalan. Tunay na si Allāh ay namumuhi sa mahalay na bastos."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām At-Tirmidhīy.
"Magpadali kayo at huwag kayong magpahirap, at magpagalak kayo at huwag kayong magpalayo ng loob."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magsabi siya ng mabuti o manahimik siya. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magparangal siya sa kapitbahay niya. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magparangal siya sa panauhin niya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang pang-aalipusta sa Muslim ay kasuwailan at ang pakikipaglaban sa kanya ay kawalang-pananampalataya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{May isang lalaking nagsabi sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magtagubilin ka po sa akin." Nagsabi siya: "Huwag kang magalit." Kaya umulit ito nang makailan. Nagsabi siya: "Huwag kang magalit."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
"Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa higit na mabuti sa inyo kaysa sa higit na masama sa inyo?" Sinabi: Nanahimik sila kaya nagsabi siya niyon nang tatlong ulit, saka may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, magpabatid ka sa amin hinggil sa higit na mabuti sa amin kaysa sa higit na masama sa amin." Nagsabi siya: "Ang higit na mabuti sa inyo ay sinumang naaasahan ang kabutihan niya at naliligtasan ang kasamaan niya. Ang higit na masama sa inyo ay sinumang hindi naaasahan ang kabutihan at hindi naliligtasan ang kasamaan niya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.