Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

7 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"Ang pagsasamabuting-loob ay kagandahan ng kaasalan. Ang kasalanan ay anumang lumigalig sa dibdib mo at nasuklam ka na makabatid doon ang mga tao."}
Tumpak Ang Unang Hadith: Nagsalaysay nito si Imām Muslim, at ang Ikalawang Hadith: Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad at Imām Ad-Dārimīy.
"Ang sinumang nagsanggalang sa dangal ng kapatid niya, magsasanggalang si Allāh sa mukha niya sa Apoy sa Araw ng Pagbangon."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad.
"Tunay na ang mananampalataya ay talagang makaaabot sa pamamagitan ng kagandahan ng kaasalan niya sa antas ng nag-aayuno na nagdarasal [pa sa gabi]."}
Tumpak dahil sa mga patotoo nito Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām Aḥmad.
"Ang mga naaawa ay kaaawaan sila ng Napakamaawain. Kaawaan ninyo ang mga naninirahan sa lupa, kaaawaan kayo Niyang nasa langit."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Aḥmad.
{Tinanong ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Paraiso, kaya naman nagsabi siya: "Ang pangingilag magkasala kay Allāh at ang kagandahan ng kaasalan." Tinanong siya tungkol sa pinakamadalas magpapapasok sa mga tao sa Impiyerno, kaya naman nagsabi siya: "Ang bibig at ang ari."}
Magandang tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Hindi nagpapasalamat kay Allāh ang sinumang hindi nagpapasalamat sa mga tao."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Aḥmad.
"Kapag umibig ang tao sa kapatid niya, magpabatid siya rito na siya ay umiibig dito."
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā, at Imām Aḥmad.