Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

6 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

"Hindi maglalakbay ang babae ng isang distansiya ng dalawang araw [na paglalakbay] malibang habang kasama sa kanya ang asawa niya o ang isang maḥram. Walang pag-aayuno sa dalawang araw: sa Pagdiriwang ng Pagtigil-ayuno at sa Pagdiriwang ng Pag-aalay. Walang ṣalāh matapos ng ṣalāh sa madaling-araw hanggang sa sumikat ang araw at wala matapos ng ṣalāh sa hapon hanggang sa lumubog [ang araw]. Hindi isinasagawa ang mga natatanging paglalakbay kundi papunta sa tatlong masjid: Masjid ng Pinakababanal, Masjid ng Liblib, at Masjid kong ito."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"O katipunan ng mga babae, magkawanggawa kayo sapagkat tunay na ako ay pinakitaang kayo ay higit na marami sa mga maninirahan sa Impiyerno." Kaya nagsabi sila: "At dahil sa ano po, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Nagpaparami kayo ng pagsumpa at nagkakaila kayo sa utang na loob sa mga asawa. Hindi ako nakakita mula sa mga nagkukulang sa pag-iisip at pagrerelihiyon na higit na mapag-alis ng isip ng lalaking naghuhunos-dili kaysa sa isa sa inyo." Nagsabi sila: "At ano po ang kakulangan sa pagrerelihiyon namin at pag-iisip namin, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Hindi ba ang pagsaksi ng babae ay tulad ng kalahati ng pagsaksi ng lalaki?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya iyon ay bahagi ng kakulangan ng pag-iisip niya. Hindi ba kapag nagregla siya, hindi siya nagdarasal at hindi siya nag-aayuno?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya iyon ay bahagi ng kakulangan ng pagrerelihiyon niya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Kaingat kayo sa pagpasok sa kinaroroonan ng mga babae." Kaya may nagsabing isang lalaking kabilang sa Anṣār: "O Sugo ni Allāh, kaya nagsaalang-alang ka po ba sa lalaking kapatid ng asawa?" Nagsabi siya: "Ang lalaking kapatid ng asawa ay ang kamatayan."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Tunay na ang Mundo ay matamis na luntian at tunay na si Allāh ay nagsasakahalili sa inyo rito, kaya tumitingin Siya kung papaano kayong gumagawa. Kaya mangilag kayong magkasala sa Mundo at mangilag kayo sa mga babae sapagkat tunay na ang unang tukso sa mga anak ni Israel ay sa mga babae."
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Ang Mundo ay natatamasa at ang pinakamabuti sa natatamasa sa Mundo ay ang babaing maayos."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Huwag mamuhi ang isang lalaking mananampalataya sa isang babaing mananampalataya. Kung nasuklam siya rito sa isang kaasalan, malulugod naman siya rito sa iba."} O nagsabi siya: "sa iba pa rito."
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.