Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

10 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

"Hindi maglalakbay ang babae ng isang distansiya ng dalawang araw [na paglalakbay] malibang habang kasama sa kanya ang asawa niya o ang isang maḥram. Walang pag-aayuno sa dalawang araw: sa Pagdiriwang ng Pagtigil-ayuno at sa Pagdiriwang ng Pag-aalay. Walang ṣalāh matapos ng ṣalāh sa madaling-araw hanggang sa sumikat ang araw at wala matapos ng ṣalāh sa hapon hanggang sa lumubog [ang araw]. Hindi isinasagawa ang mga natatanging paglalakbay kundi papunta sa tatlong masjid: Masjid ng Pinakababanal, Masjid ng Liblib, at Masjid kong ito."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili sa ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj, at pag-aayuno sa Ramaḍān."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang babaing kabilang sa mga Tagaadya, na pinangalanan ng Anak ni `Abbās ngunit nakalimutan ko ang pangalan nito: "Ano ang pumigil sa iyo na magsagawa ng ḥajj kasama namin?" Nagsabi ito: "Hindi kami nagkaroon kundi ng dalawang kamelyong pang-igib," ngunit nagsagawa ng ḥajj ang ama ng anak niya at ang anak niya sakay ng isang kamelyong pang-igib, "at nag-iwan siya sa amin ng isang kamelyong pang-igib na nag-iigib kami sakay nito." Nagsabi siya: "Kaya kapag dumating ang Ramaḍān, magsagawa ka ng `umrah sapagkat tunay na ang isang `umrah dito ay nakatutumbas sa isang ḥajj."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Walang anumang mga araw na ang maayos na gawain sa mga iyon ay higit na kaibig-ibig kay Allāh kaysa sa mga araw na ito." Tumutukoy siya sa unang sampung araw [ng Dhulḥijjah]. Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, ni ang pakikibaka sa landas ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ni ang pakikibaka sa landas ni Allāh, maliban sa isang lalaking lumabas kalakip ng buhay niya at ari-arian niya saka hindi na bumalik mula roon na may anuman."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Abū Dāwud at ang pagkakasambit ay sa kanya.
"O Sugo ni Allāh, nagtuturing kami na ang pakikibaka ay pinakamainam na gawain. Kaya makikibaka po ba kami?" Nagsabi siya: "Hindi; subalit ang pinakamainam na pakikibaka ay isang ḥajj na tinanggap."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
{Ang talbiyah ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay: "Labbayka -llāhumma labbayka; labbayka lā sharīka laka labbayk. Inna -lḥamda wa-nni`mata laka wa-lmulka, lā sharīka lak. (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, bilang pagtugon sa Iyo; bilang pagtugon sa Iyo, walang katambal sa Iyo, bilang pagtugon sa Iyo. Tunay na ang papuri at ang pagbibiyaya ay ukol sa Iyo at ang paghahari; walang katambal sa Iyo.)"} Sinabi: "Si `Abdullāh bin `Umar noon (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) ay nagdaragdag dito ng: "Labbayka labbayka wa-sa`dayka, wa-lkhayru bi-yadayk. Labbayka wa-rragbā'u ilayka wa-l`amal. (Bilang pagtugon sa Iyo, bilang pagtugon sa Iyo, at bilang pagpapaligaya Mo, ang kabutihan ay nasa mga kamay Mo. Bilang pagtugon sa Iyo, at ang pagkaibig ay sa Iyo at ang paggawa.)"
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang sinumang may makakatay na kakatayin, saka kapag dumating ang bagong buwan ng Dhulḥijjah, huwag nga siyang kukuha mula sa buhok niya ni mula sa mga kuko niya ng anuman hanggang sa makapag-alay siya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Ang sinumang nagsagawa ng ḥajj para kay Allāh saka hindi humalay at hindi nagpakasuwail, uuwi siya gaya ng araw na ipinanganak siya ng ina niya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.