Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

24 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay minsang nasa isang paglalakbay saka nakakita siya ng isang siksikan at isang lalaking nililiman nga iyon. Kaya nagsabi siya: "Ano iyan?" Nagsabi naman sila: "Nag-aayuno." Kaya nagsabi siya: "Hindi bahagi ng pagsasamabuting-loob ang pag-aayuno sa paglalakbay."
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumasok ang sampung [huling araw ng Ramaḍān], ay nagpupuyat sa gabi, nanggigising ng mag-anak niya, nagpapakasigasig, at naghihigpit ng tapis.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Kumain kami ng saḥūr kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Pagkatapos tumindig siya papunta sa ṣalāh. Nagsabi ako: "Gaano katagal sa pagitan ng adhān at saḥūr?" Nagsabi siya: "Singtagal [ng pagbigkas] ng limampung talata [ng Qur'ān]."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang sinumang nagdasal sa Gabi ng Pagtatakda (Laylatulqadr) dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang anumang nauna sa pagkakasala niya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Kumain kayo ng saḥūr sapagkat tunay na sa saḥūr ay may pagpapala."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa noon ng i`tikāf sa huling sampung araw ng Ramaḍān hanggang sa nagpapanaw sa kanya si Allāh. Pagkatapos nagsagawa ng i`tikāf ang mga maybahay niya noong matapos niya.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Hanapin ninyo ang Gabi ng Pagtatakda sa gansal [na petsa] mula sa huling sampung gabi ng Ramaḍān."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Habang kami ay nakaupo kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa masjid, may pumasok na isang lalaki lulan ng isang kamelyo saka nagpaluhod ito niyon sa masjid, pagkatapos nagtali ito niyon. Pagkatapos nagsabi ito sa kanila: "Alin sa inyo si Muḥammad?" Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakasandal sa piling nila. Nagsabi kami: "Itong puting lalaking nakasandal." Kaya nagsabi sa kanya ang lalaki: "O anak ni `Abdulmuṭṭalib." Kaya nagsabi naman dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sumagot nga ako sa iyo." Kaya nagsabi ang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay magtatanong sa iyo saka magpapatindi sa iyo sa pagtatanong, kaya naman huwag kang mainis sa akin sa sarili mo." Kaya nagsabi siya: "Magtanong ka ng lumitaw sa iyo." Kaya nagsabi ito: "Magtatanong ako sa iyo, sumpa man sa Panginoon mo at Panginoon ng bago mo. Si Allāh ba ay nagsugo sa iyo sa mga tao sa kabuuan nila?" Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Nagsabi ito: "Nakikiusap ako sa iyo, sumpa man kay Allāh. Si Allāh ba ay nag-utos sa iyo na magdasal tayo ng limang dasal sa araw at gabi?" Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Nagsabi ito: "Nakikiusap ako sa iyo, sumpa man kay Allāh. Si Allāh ba ay nag-utos sa iyo na mag-ayuno tayo sa buwang ito ng taon?" Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Nagsabi ito: "Nakikiusap ako sa iyo, sumpa man kay Allāh. Si Allāh ba ay nag-utos sa iyo na kumuha tayo ng kawanggawang ito mula sa mga mayaman natin para maghati ka nito sa mga maralita natin?" Nagsabi naman siya: "O Allāh, oo." Kaya nagsabi ang lalaki: "Sumampalataya ako sa anumang inihatid mo. Ako ay isang sugo mula sa likuran ko mula sa mga kababayan ko. Ako ay si Ḍimām bin Tha`labah na kapatid ng angkan ni Sa`d bin Bakr."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.