Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

22 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

"Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang anumang nauna na pagkakasala niya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{May mga lalaking kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (s) na pinakitaan ng Gabi ng Pagtatakda sa panaginip sa huling pitong gabi kaya nagsabi ang Sugo ni Allah (s): "Nakakita ako ng panaginip ninyo na nagsang-ayunan sa huling pitong gabi. Kaya ang sinumang naging naghahanap nito, hanapin niya ito sa huling ikapitong gabi."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili sa ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj, at pag-aayuno sa Ramaḍān."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang sinumang nakalimot habang siya ay nag-aayuno, kaya nakakain o nakainom, maglubos siya ng pag-aayuno niya sapagkat nagpakain lamang sa kanya si Allāh at nagpainom sa kanya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): "Ang bawat gawain ng anak ni Adan ay para sa kanya maliban sa pag-aayuno sapagkat tunay na ito ay para sa Akin at Ako ay gaganti sa Kanya." Ang pag-aayuno ay kalasag. Kapag araw ng pag-aayuno ng isa sa inyo, huwag siyang humalay at huwag siyang mag-ingay; saka kung nakipag-alipustaan sa kanya ang isa o nakipag-away ito sa kanya, magsabi siya: "Tunay na ako ay nag-aayuno." Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, talagang ang amoy ng bibig ng tagapag-ayuno ay higit na mabango sa ganang kay Allāh kaysa sa halimuyak ng musk. Ang tagapag-ayuno ay may dalawang tuwa, na natutuwa siya sa dalawang ito: Kapag tumigil-ayuno siya, matutuwa siya; at kapag nakipagkita siya sa Panginoon niya, matutuwa siya dahil sa pag-aayuno niya.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang sinumang makakakaya sa pagpapamilya ay mag-asawa siya sapagkat tunay na ito ay higit na pumipigil sa [bawal na] tingin at higit na nangangalaga sa ari. Ang sinumang hindi makakakaya, kailangan sa kanya ang pag-aayuno sapagkat tunay na ito para sa kanya ay pampigil."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang sinumang nag-ayuno ng isang araw sa landas ni Allāh, magpapalayo si Allāh sa mukha niya sa Impiyerno ng pitumpung taglagas."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Tunay na ikaw ay talagang nag-aayuno sa tanang-buhay at nagdarasal sa gabi." Kaya nagsabi ako: "Opo." Nagsabi siya: "Tunay na ikaw, kapag gumawa ka niyon, ay manghihina ang mata at mapapagal ang kaluluwa. Hindi nag-ayuno ang sinumang nag-ayuno sa tanang-buhay. Ang pag-aayuno ng tatlong araw ay gaya ng pag-aayuno sa tanang-buhay sa kabuuan nito." Nagsabi ako: "Ngunit tunay na ako ay nakakakaya ng higit kaysa roon." Nagsabi siya: "Kaya mag-ayuno ka ng pag-aayuno ni David (sumakanya ang pangangalaga). Siya noon ay nag-aayuno isang araw at tumitigil-ayuno isang araw. Hindi siya noon tumatakas kapag nakiharap [sa kaaway]."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.