Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

9 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

"Walang anumang araw na inuumaga ang mga tao roon malibang may dalawang anghel na bumababa saka nagsasabi ang isa sa kanilang dalawa: 'O Allāh, magbigay Ka sa isang tagagugol ng isang kabayaran,' at nagsasabi naman ang isa pa: 'O Allāh, magbigay Ka sa isang tagapagkait ng isang kasiraan.'"}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili sa ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj, at pag-aayuno sa Ramaḍān."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Nagsatungkulin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa zakāh ng pagtigil-ayuno ng isang ṣā` ng datiles o ng isang ṣā` ng sebada, na kailangan sa alipin at malaya, lalaki at babae, at nakababata at nakatatanda kabilang sa mga Muslim. Nag-utos siya nito na ibigay ito bago ng paglabas ng mga tao papunta sa ṣalāh.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Wala sa inyong isa man malibang kakausap sa kanya si Allāh nang walang tagapagsalin sa pagitan niya at Nito. Titingin siya sa kanan mula sa kanya ngunit wala siyang makikita kundi ang [gawang] ipinauna niya. Titingin siya sa kaliwa mula sa kanya ngunit wala siyang makikita kundi ang [gawang] ipinauna niya. Titingin siya sa nakaharap sa kanya ngunit wala siyang makikita kundi ang Impiyerno sa tapat ng mukha niya. Kaya mangilag kayo sa Impiyerno, kahit pa man sa pamamagitan ng [pagkakawanggawa ng] kalahati ng isang datiles."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Kami noon ay nagpapaluwal, noong nasa amin pa ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ng zakāh ng pagtigil-ayuno alang-alang sa bawat nakababata at nakatatanda at malaya at minamay-ari ng isang ṣā` ng pagkain o isang ṣā` ng tuyong yogurt o isang ṣā` ng sebada o isang ṣā` ng datiles o isang ṣā` ng pasas. Hindi kami tumigil na nagpapaluwal nito hanggang sa dumating sa amin si Mu`āwiyah bin Abī Sufyān (malugod si Allāh sa kanya) habang nagsasagawa ng ḥajj o nagsasagawa ng `umrah saka nagsalita siya sa mga tao sa pulpito. Kabilang sa sinalita niya sa mga tao na nagsabi siya: 'Tunay na ako ay nakakikita na ang dalawang mudd ng trigo ng Sirya ay nakatutumbas sa isang ṣā` ng datiles.' Kaya umayon ang mga tao roon."} Nagsabi naman si Abū Sa`īd: {Hinggil naman sa akin, hindi ako tumitigil na nagpapaluwal nito kung paanong dati akong nagpapaluwal nito magpakailanman hanggat nabubuhay ako."
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Nagsabi si Allāh: Gumugol ka, O anak ni Adan, gugugol Ako sa iyo."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Walang anumang tagapagmay-ari ng ginto ni ng pilak, na hindi gumaganap mula rito ng karapatan dito, malibang kapag Araw ng Pagbangon ay may pipirasuhin para sa kanya na mga piraso mula sa apoy, saka paiinitin ang mga ito sa apoy ng Impiyerno, saka papasuin sa pamamagitan ng mga ito ang gilid niya, ang noo niya, at ang likod niya. Sa tuwing lumamig ang mga ito, uulitin ang mga ito sa kanya, sa isang araw na ang sukat nito ay limampung libong taon, hanggang sa hukuman sa pagitan ng mga tao, kaya makakikita siya sa landas niya na maaaring patungo sa Paraiso at maaaring patungo sa Impiyerno."
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili sa ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj, at pag-aayuno sa Ramaḍān."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.