Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

4 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

"Magpabigkas kayo sa mga mamamatay sa inyo ng Lá iláha illa ­lláh (Walang Diyos kundi si Allāh)."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Dumanas si Abū Mūsā ng isang matinding sakit kaya hinimatay siya habang ang ulo niya ay nasa kandungan ng isang babae kabilang sa mag-anak niya ngunit hindi siya nakakaya na tumugon dito ng anuman. Noong nagkamalay siya, nagsabi siya: "Ako ay walang-kaugnayan sa sinumang nagwalang-kaugnayan doon ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Tunay na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagwalang-kaugnayan sa Sāliqah, Ḥāliqah, at Shāqqah."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Kapag namatay ang tao, napuputol sa kanya ang gawa niya maliban sa tatlo: maliban sa isang kawanggawang nagpapatuloy, o isang kaalamang napakikinabangan, o isang anak na maayos na dumadalangin para sa kanya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Pumanaw ang isa sa mga babaing anak ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya lumabas ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "Hugasan ninyo siya nang tatlong ulit o limang ulit o higit kaysa roon, kung nakakita kayo [ng pangangailangan doon], ng tubig at [dahon ng] mansanitas. Maglagay kayo sa huli ng alkampor o kaunting alkampor. Kapag nakatapos kayo, manawagan kayo sa akin." Kaya noong nakatapos kami, nanawagan kami sa kanya saka nagpukol siya sa amin ng tapis niya saka nagsabi siya: "Magbalot kayo nito sa kanya." Gumawa kami sa [buhok ng] ulo niya bilang tatlong tirintas.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.