Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

63 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

Hindi nagdasal ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang dasal matapos na bumaba sa kanya ang talatang (Qur'ān 110:1): {Kapag dumating ang pag-aadya ni Allāh at ang pagsakop} malibang nagsasabi siya rito ng: "Subhḥnāka rabbanā wa-bi-ḥamdika. Allāhumma -ghfir lī. (Kaluwalhatian sa Iyo, O Panginoon namin, at kalakip ng papuri sa Iyo. O Allāh, magpatawad Ka sa akin.)"}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Nawalay ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang gabi mula sa higaan. Kinapa ko siya saka bumagsak ang kamay ko sa talampakan ng mga paa niya habang siya ay nasa masjid habang ang dalawang ito ay nakatukod habang siya ay nagsasabi: "Allāhumma, innī a`ūdhu bi-riḍāka min sakhaṭika, wa-bimu`āfātika min `uqūbatika, wa-a`ūdhu bika minka; lā uhṣī thanā’an `alayka, anta kamā athnayta `alā nafsika. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa pagkalugod Mo laban sa pagkayamot Mo at sa pagpapaumanhin Mo laban sa pagpaparusa Mo at nagpapakupkop sa Iyo laban sa Iyo. Hindi ako nakabibilang ng pagbubunyi sa Iyo. Ikaw ay kung paanong nagbunyi Ka sa sarili Mo.)"}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapasimula ng ṣalāh sa pamamagitan ng pagsasagawa ng takbīr at pagbigkas ng Kabanatang Al-Fātiḥah. Kapag yumukod siya, hindi siya nagtataas ng ulo niya at hindi siya nagbababa nito, subalit sa pagitan niyon. Kapag nag-angat siya ng ulo niya mula sa pagkakayukod, hindi siya nagpapatirapa hanggang sa tumuwid siya habang nakatayo. Kapag nag-angat siya ng ulo niya mula sa pagkakapatirapa, hindi siya nagpapatirapa hanggang sa tumuwid siya habang nakaupo. Nagsasabi siya sa bawat dalawang rak`ah ng tashahhud. Naglalatag siya ng kaliwang paa niya at nagtutukod siya ng kanang paa niya. Sumasaway siya laban sa [pag-upo sa] sakong ng demonyo at sumasaway siya laban sa paglapag ng lalaki ng mga braso niya gaya ng paglapag ng mabangis na hayop. Nagwawakas siya ng ṣalāh sa pamamagitan ng pagsasagawa ng taslīm.}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Kapag isinagawa ang iqāmah ng ṣalāh, walang ṣalāh kundi ang iniatas."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa pagkatapos ng bawat ṣalāh na isinatungkulin ng: "Lā ilāha illa –llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu –lmulku wa-lahu –lḥamdu wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. Allāhumma lā māni`a limā a`ṭayta, wa-lā mu`ṭiya limā mana`ta, wa-lā yanfa`u dha –ljaddi minka –ljadd. (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal para sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. O Allāh, walang tagapigil sa anumang ibinigay Mo, walang tagabigay sa anumang pinigil Mo, at hindi nagpapakinabang ang yaman sa may yaman laban sa Iyo.)"}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang sinumang kumain ng bawang o sibuyas ay magpakalayu-layo siya sa amin." – o nagsabi: "ay magpakalayu-layo siya" – "sa masjid namin at manatili siya sa bahay niya."} Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay dinalhan ng isang kaldero na may mga gulay mula sa mga legumbre. Nakatagpo siya rito ng isang amoy kaya nagtanong siya. Ipinabatid sa kanya hinggil sa narito na mga legumbre kaya nagsabi siya na ilapit ito sa isa sa mga kasamahan niya na kasama niya. Noong nakita niyon ito, nasuklam iyon na kainin ito. Nagsabi siya: "Kumain ka sapagkat ako ay nakikipagniig sa kanya na hindi ka nakikipagniig."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Kapag nakarinig kayo ng [adhān ng] mu'adhdhin, magsabi kayo ng tulad ng sinasabi niya. Pagkatapos dumalangin kayo ng basbas para sa akin sapagkat tunay na ang sinumang dumalangin para sa akin ng isang basbas, magbabasbas si Allāh sa kanya dahil doon ng sampung [basbas]. Pagkatapos hilingin ninyo kay Allāh para sa akin ang Kaparaanan sapagkat tunay na ito ay isang katayuan sa Paraiso, na hindi nararapat kundi para sa isang lingkod kabilang sa mga lingkod ni Allāh. Umaasa ako na ako ay maging siya; sapagkat ang sinumang humiling para sa akin ng Kaparaanan, mauukol para sa kanya ang Pamamagitan."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"May mga binabalik-balikang hindi nabibigo ang tagapagsabi ng mga ito – o ang tagagawa ng mga ito – sa katapusan ng bawat ṣalāh na iniatas: Tatlumpu't tatlong pagluluwalhati, tatlumpu't tatlong pagpapapuri, at tatlumpu't apat na pagdadakila."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.