Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

8 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"O mga tao, magpalaganap kayo ng kapayapaan, magpakain kayo ng pagkain, makipag-ugnayan kayo sa mga kaanak, at magdasal kayo sa gabi habang ang mga tao ay tulog; papasok kayo sa Paraiso nang may kapayapaan."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Ang kasunduan na nasa pagitan natin at nila ay ang ṣalāh. Kaya ang sinumang umiwan nito ay tumanggi ngang sumampalataya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Ma`jah, at Imām Aḥmad.
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakakita ng isang lalaking nagdarasal nang mag-isa sa likuran ng hanay, kaya nag-utos siya rito na umulit ng ṣalāh nito.}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Inangat ang panulat sa tatlo: sa natutulog hanggang sa magising siya, sa paslit hanggang sa magbinata siya, at sa baliw hanggang sa makapag-unawa siya."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa pagitan ng dalawang pagkapatirapa ng: "Rabbi –ghfir lī, rabbi –ghfir lī (Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin; Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin.)."
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Ang sinumang nangalaga sa apat na rak`ah bago ng ṣalāh sa tanghali at apat na rak`ah matapos nito, magkakait sa kanya si Allāh sa Impiyerno."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Kapag pumasok ang isa sa inyo sa masjid, bumati siya sa Propeta at magsabi siya ng: Allāhumma -ftaḥ lī abwāba raḥmatik (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pinto ng awa Mo). Kapag lumabas siya, bumati siya sa Propeta at magsabi siya ng: Allāhumma -`ṣimnī mina -shshatyān -rrajīm (O Allāh, magsanggalang Ka sa akin laban sa demonyong kasumpa-sumpa). Kapag lumabas siya, bumati siya sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) at magsabi siya ng: Allāhumma -ajirnī mina -shshayṭān -rrajīm (O Allāh, magkalinga Ka sa akin laban sa demonyong kasumpa-sumpa)."}
Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Ibnu Mājah at Al-Hakim.
{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa: "Allāhumma –ghfir lī, wa-­rḥamnī, wa-`āfinī, wa-­hdinī, wa-­rzuqnī. (O Allāh, patawarin Mo ako, kaawaan Mo ako, paligtasin Mo ako, patnubayan Mo ako, at tustusan Mo ako.)"}
Maganda dahil sa mga patotoo nito Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.