عربي - Arabic English Qafár af - Afar Afrikaans - Afrikanns Akan Shqip - Albanian አማርኛ - Amharic Հայերեն - Armenian অসমীয়া - Assamese Azərbaycanca - Azerbaijani Bamanankan - Bambara Bassa Bemba বাংলা - Bengali Bosanski - Bosnian Български - Bulgarian မြန်မာဘာသာ - Burmese Bisaya - Cebuano Cham Нохчий - Chechen chiCheŵa - Chewa 中文 - Chinese Адыгэбзэ - Circassian Hrvatski - Croatian Česky - Czech Dagbani Dansk - Danish فارسی دری - Dari Dendi ދިވެހި ބަސް - Dhivehi Nederlands - Dutch إستوني - Estonian Suomi - Finnish Français - French Fulfulde - Fula ქართული - Georgian Deutsch - German Ελληνικά - Greek ગુજરાતી - Gujrati Kreyòl ayisyen - Haitian Creole Hausa हिन्दी - Hindi Magyar - Hungarian Igbo Indonesia - Indonesian Italiano - Italian 日本語 - Japanese Jóola - Jola ಕನ್ನಡ - Kannada Қазақша - Kazakh ភាសាខ្មែរ - Khmer Kikuyu Ikinyarwanda - Kinyarwanda Ikirundi - Kirundi 한국어 - Korean كوردی سۆرانی - kurdish كوردي kurmancî - Kurmanji Kyrgyz ລາວ - Lao latviešu - Latvian Lingala lietuvių - Lithuanian Luganda Македонски - Macedonian Maguindanaon Malagasy - Malagasy Bahasa Melayu - Malay മലയാളം - Malayalam Mandinka मराठी - Marathi Mõõré - Moore नेपाली - Nepali أنكو - NKo Norwegian ଓଡ଼ିଆ - Odia oromoo - Oromo پښتو - Pashto فارسی - Persian Polski - Polish Portuguese ਪੰਜਾਬੀ - Punjabi Română - Romanian Русский - Russian Српски - Serbian Shona සිංහල - Sinhala Slovenščina - Slovenian Soomaaliga - Somali Soninke Sesotho - Sotho Español - Spanish Kiswahili - Swahili Svenska - Swedish Tagalog Тоҷикӣ - Tajik தமிழ் - Tamil తెలుగు - Telugu ไทย - Thai ትግረኛ - Tigrinya Türkçe - Turkish Ukrainian اردو - Urdu ئۇيغۇرچە - Uyghur Ўзбек - Uzbek Việt Nam - Vietnamese Wolof Yao Yorùbá - Yoruba Zarma زولو - Zulu
673 Mga Hadith
Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta
Mga Kategorya
Antas ng hadith
Isinalaysay sa
Tagapagsalaysay
Ipakita ang lahat ng tagapagsalaysay (30)
{Naglagay ako para sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang pampaligo saka nagtakip ako sa kanya ng isang kasuutan. Nagbuhos siya sa mga kamay niya saka naghugas ng mga ito. Pagkatapos nagbuhos siya sa pamamagitan ng kanang kamay niya sa kaliwang kamay niya saka naghugas siya ng ari niya saka tumapik siya ng kamay niya sa lupa saka pumahid nito roon. Pagkatapos naghugas siya nito saka nagmumog siya at suminghot [ng tubig], naghugas siya ng mukha niya, at mga braso niya. Pagkatapos nagbuhos siya sa ulo niya at nagpasagana siya nito sa katawan niya. Pagkatapos tumabi siya saka naghugas ng mga paa niya saka nag-abot naman ako sa kanya ng isang kasuutan ngunit hindi niya kinuha ito saka lumisan siya habang siya ay nagpapagpag ng mga kamay niya.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
May isang lalaking nagsagawa ng wuḍū' saka nakaiwan ito ng isang parte ng kuko sa paa nito saka nakakita rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya: "Bumalik ka saka magpahusay ka ng pagsasagawa mo ng wuḍū' mo." Kaya bumalik naman ito, pagkatapos nagdasal ito.}
Tumpak dahil sa mga patotoo nito Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsagawa ng wuḍū' nang tigdadalawang ulit.}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
"Kapag nagsagawa ng wuḍū’ ang isa sa inyo at nagsuot siya ng khuff niya, magdasal siya nang nakasuot nito at magpahid siya sa ibabaw nito, pagkatapos huwag siyang maghubad nito kung niloob niya, malibang nasa janābah."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dāraquṭnīy.
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag tumitindig siya [sa pagdarasal] sa gabi, ay nagsisipilyo ng bibig niya sa pamamagitan ng siwāk.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Gupitin ninyo ang mga bigote at hayaan ninyo ang mga balbas."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Nakasaksi ako kay `Amr bin Abī Ḥasan na nagtanong kay Abdullāh bin Zayd tungkol sa wuḍū' ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagpakuha siya ng isang batya ng tubig saka nagsagawa siya ng wuḍū' sa harap nila gaya ng wuḍū' ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagbuhos siya sa kamay niya mula sa batya saka naghugas ng mga kamay niya nang tatlong ulit. Pagkatapos nagpasok siya ng kamay niya sa batya saka nagmumog, suminghot ng tubig, at nagsinga – sa tigtatlong salok. Pagkatapos nagpasok siya ng kamay niya [sa batya] saka naghugas ng mukha niya nang tatlong ulit. Pagkatapos naghugas siya ng mga kamay niya nang dalawang ulit hanggang sa mga siko. Pagkatapos nagpasok siya ng kamay niya [sa batya] saka nagpahid siya sa ulo niya ng mga ito paharap at palikod nang iisang ulit. Pagkatapos naghugas siya ng mga paa niya hanggang bukungbukong.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Nagpadala sa akin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil sa isang pangangailangan saka naging junub ako ngunit hindi ako nakatagpo ng tubig. Kaya nagpagulung-gulong ako sa buhanginan kung paanong nagpapagulung-gulong ang hayop. Pagkatapos pumunta ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka binanggit ko iyon sa kanya kaya nagsabi siya: "Naging nakasasapat lamang sa iyo na gumawa ka sa mga kamay mo ng ganito." Pagkatapos nagtapik siya ng mga kamay niya sa lupa nang iisang tapik. Pagkatapos nagpahid siya ng kaliwang kamay sa kanang kamay, ibabaw ng mga kamay niya, at mukha niya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.