Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

47 sa 673 card

Alisin ang mga filter
{Bumalik kami kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah mula sa Makkah. Hanggang sa nang kami ay nasa isang tubigan sa daan, nagmadali ang mga tao sa sandali ng [ṣalāh sa] hapon. Nagsagawa sila ng wuḍū' habang sila ay nagmamadali, saka nakarating kami sa kanila samantalang ang mga sakong nila ay nangingintab na hindi nasaling ng tubig. Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapighatian sa mga sakong mula sa Impiyerno. Lubus-lubusin ninyo ang pagsasagawa ng wuḍū'."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
Ayon kay Ḥumrān na alila ni `Uthmān bin `Affān: {Siya ay nakakita kay `Uthmān bin `Affān na nanawagan ng tubig ng wuḍū', saka nagbuhos siya sa mga kamay niya mula sa lalagyan nito, saka naghugas siya ng mga ito nang tatlong ulit. Pagkatapos nagpasok siya ng kanang kamay niya sa tubig ng wuḍū'. Pagkatapos nagmumog siya at suminghot siya [ng tubig] at suminga. Pagkatapos naghugas siya ng mukha niya nang tatlong ulit at ng mga kamay niya hanggang sa siko nang tatlong ulit. Pagkatapos nagpahid siya sa ulo niya. Pagkatapos naghugas siya ng bawat paa nang tatlong ulit. Pagkatapos nagsabi siya: "Nakakita ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsagawa ng wuḍū' tulad ng wuḍū' kong ito." Nagsabi pa siya: "Ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' tulad ng wuḍū' kong ito pagkatapos nagdasal siya ng dalawang rak`ah nang hindi kumakausap sa dalawang ito sa sarili niya, magpapatawad si Allāh sa kanya sa nauna sa pagkakasala niya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang siwāk ay isang kadalisayan para sa bibig, na isang kaluguran para sa Panginoon."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām An-Nisaiy at Imām Aḥmad.
"Tunay na si Ummu Ḥabībah bint Jaḥsh na noon ay maybahay ni `Abdurraḥmān bin `Awf ay dumaing sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagdurugo. Kaya naman nagsabi siya rito: "Manatili ka ayon sa tagal na dati nang humahadlang sa iyo ang pagreregla mo, pagkatapos maligo ka." Kaya siya noon ay naliligo sa sandali ng bawat ṣalāh."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naghuhugas o siya noon ay naliligo sa pamamagitan ng isang ṣā` hanggang sa limang mudd at nagsasagawa ng wuḍū' sa pamamagitan ng isang mudd.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ako minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang paglalakbay saka bumaba ako upang magtanggal ng khuff niya ngunit nagsabi siya: "Hayaan mo iyan sapagkat tunay na ako ay nagpasok niyan [sa paa] habang dalisay pa." Kaya nagpahid siya rito.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Nagtanong ako kay `Ā'ishah. Nagsabi ako: "Sa aling bagay noon nagsisimula ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kapag pumasok siya sa bahay niya?" Nagsabi ito: "Sa siwāk."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' saka nagpaganda sa wuḍū', lalabas ang mga kasalanan niya mula sa katawan niya hanggang sa lumabas ang mga ito sa ilalim ng mga kuko niya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.