Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

47 sa 673 card

Alisin ang mga filter
"Kapag uminom ang aso sa lalagyan ng isa sa inyo, hugasan niya ito nang pitong ulit."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Kami noon ay hindi nagtuturing ng anuman sa pangingitim at kadilawan matapos ng pagkadalisay.}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud ayon sa pagkakasambit na ito. Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy nang walang dagdag ng pariralang "matapos ng pagkadalisay".
"Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang isa sa inyo, maglagay siya ng tubig sa ilong niya, pagkatapos magsinga siya nito. Ang sinumang mag-iwang, gawin niya sa gansal na bilang. Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagkatulog niya, maghugas siya ng kamay niya bago siya magpasok nito sa panghugas niya sapagkat tunay na ang isa sa inyo ay hindi nakaaalam kung saan nagmagdamag ang kamay niya."} Ang pananalita ni Imām Muslim: "Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagkatulog niya, huwag siyang maglubog ng kamay niya sa lalagyan hanggang sa makapaghugas siya nito nang tatlong ulit sapagkat tunay na siya ay hindi nakaaalam kung saan nagmagdamag ang kamay niya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ang Sugo ni Allāh ay napaliliguan noon ng isang ṣā` ng tubig mula sa janāba at napagsasagawaan ng wuḍū' ng isang mudd.}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagkatulog niya, suminghot siya ng tubig at magsinga nito nang tatlong ulit sapagkat tunay na ang demonyo ay nagpapagabi sa mga butas-ilong niya.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang sinumang naligo sa araw ng Biyernes ng paligo ng janābah, pagkatapos pumunta, ay para bang nag-alay siya ng isang kamelyo. Ang sinumang pumunta sa ikalawang yugto ay para bang nag-alay siya ng isang baka. Ang sinumang pumunta sa ikatlong yugto ay para bang nag-alay siya ng isang tupang may sungay. Ang sinumang pumunta sa ikaapat na yugto ay para bang nag-alay siya ng isang manok. Ang sinumang pumunta sa ikalimang yugto ay para bang nag-alay siya ng isang itlog. Kapag lumabas ang imām, dadalo ang mga anghel upang makinig sa pag-aalaala [kay Allāh]."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang pagkadalisay ay kalahati ng pananampalataya. Ang [pagsasabi ng:] alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa timbangan [ng mga gawa]. Ang [pagsasabi ng:] subḥāna -llāh (kaluwalhatian kay Allāh) at alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa nasa pagitan ng mga langit at lupa. Ang pagdarasal ay liwanag. Ang kawanggawa ay patotoo. Ang pagtitiis ay tanglaw. Ang Qur'ān ay katwiran para sa iyo o laban sa iyo. Ang bawat isa sa mga tao ay maagang lumilisan saka nagtitinda ng sarili niya kaya nagpapalaya nito o nagpapahamak nito."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Isang tungkulin sa bawat Muslim na maligo siya sa isang araw sa bawat pitong araw, na maghuhugas siya rito ng ulo niya at katawan niya."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.