Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

5 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag lumabas siya noon mula sa palikuran, ay nagsasabi ng: "Ghufrānaka (Hinihiling ko ang pagpapatawad Mo)."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad.
"Ang siwāk ay isang kadalisayan para sa bibig, na isang kaluguran para sa Panginoon."}
Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām An-Nisaiy at Imām Aḥmad.
"Tunay na si Ummu Ḥabībah bint Jaḥsh na noon ay maybahay ni `Abdurraḥmān bin `Awf ay dumaing sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagdurugo. Kaya naman nagsabi siya rito: "Manatili ka ayon sa tagal na dati nang humahadlang sa iyo ang pagreregla mo, pagkatapos maligo ka." Kaya siya noon ay naliligo sa sandali ng bawat ṣalāh."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Tunay na ako ay nagdurugo kaya hindi ako nadadalisay. Kaya titigil po ba ako sa pagdarasal?" Nagsabi siya: "Hindi; tunay na iyon ay [pagdurugo ng] isang ugat subalit tumigil ka sa pagdarasal ayon sa mga araw na ikaw dati ay nagreregla sa mga iyon, pagkatapos maligo ka at magdasal ka."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag naligo siya dahil sa janābah, ay naghuhugas ng mga kamay niya at nagsasagawa ng wuḍū' niya para sa ṣalāh, pagkatapos naliligo, pagkatapos nagsisingit ng kamay niya sa buhok niya. Hanggang sa kapag nakapagpalagay siya na siya ay nakabasa na ng anit nito, nagbubuhos naman siya rito ng tubig nang tatlong ulit, pagkatapos naghuhugas siya ng nalalabi sa katawan niya.} Nagsabi pa ito: {Naliligo noon ako at ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa iisang lalagyan [ng tubig], na sumasalok kami mula rito nang magkasama.}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.