Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

35 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

{Ako minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka napunta siya sa isang basurahan ng isang lipi saka umihi siya habang nakatayo. Nagpakalayu-layo naman ako ngunit nagsabi siya: "Lumapit ka rito." Lumapit naman ako hanggang sa tumayo ako sa tabi ng mga sakong niya saka nagsagawa siya ng wuḍū' saka nagpahid sa khuff niya.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Walang anumang Muslim na nagsasagawa ng wuḍū' – saka nagpapagaling ng wuḍū' niya, pagkatapos tumatayo saka nagdarasal ng dalawang rak`ah, habang nakatuon sa dalawang ito sa pamamagitan ng puso niya at mukha niya – malibang magigindapat para sa kanya ang Paraiso." Nagsabi ako: "Anong galing nito!" Saka biglang may nagsasalita sa harapan niya, na nagsasabi: "Ang bago nito ay higit na magaling." Kaya tumingin ako saka biglang si `Umar ay nagsabi: "Tunay na ako ay nakakita nga sa iyo na dumating kanina." Nagsabi siya: "Walang kabilang sa inyo na isa mang nagsasagawa ng wuḍū' saka nagpaparubdob – o naglulubus-lubos – ng wuḍū', pagkatapos nagsasabi: Ashhadu an lā ilāha illa –llāhu wa-anna muḥammadan `abdu –llāhi wa-rasūluh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Lingkod ni Allāh at Sugo Niya), malibang bubuksan para sa kanya ang walong pinto ng Paraiso, na papasok siya mula sa alinman sa mga ito na loloobin niya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Umihi si Jarīr, pagkatapos nagsagawa siya ng wuḍū' at nagpahid sa khuff niya saka sinabi: "Gumagawa ka niyan?" Kaya nagsabi siya: "Oo. Nakakita ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na umihi siya, pagkatapos nagsagawa siya ng wuḍū' at nagpahid sa khuff niya." Nagsabi si Al-A`mash: Nagsabi si Ibrāhīm: Nagpahanga sa kanila ang ḥadīth na ito dahil ang pag-anib sa Islām ni Jarīr ay matapos ng pagbaba ng Kabanatang Al-Mā'idah.}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.