Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

4 sa 673 card

Alisin ang mga filter

Antas ng hadith

{Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): "Hinati Ko ang ṣalāh sa pagitan Ko at ng lingkod Ko sa dalawang kalahati at ukol sa lingkod Ko ang hiniling nito." Kaya kapag nagsabi ang lingkod: {2. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang,}, magsasabi si Allāh (napakataas Siya): "Nagpuri sa Akin ang lingkod Ko." Kapag nagsabi ito: {3. ang Napakamaawain, ang Maawain,}, magsasabi si Allāh (napakataas Siya): "Nagbunyi sa Akin ang lingkod Ko." Kapag nagsabi ito: {4. ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas.}, magsasabi Siya: "Nagparingal sa Akin ang lingkod Ko." Nagsabi pa Siya minsan: "Nagpaubaya sa Akin ang lingkod Ko." Kapag naman nagsabi ito: {5. Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.}, magsasabi Siya: "Ito ay sa pagitan Ko at ng lingkod Ko at ukol sa lingkod Ko ang hiniling niya." Kapag naman nagsabi ito: {6. Magpatnubay Ka sa amin sa landasing tuwid: 7. ang landasin ng mga biniyayaan Mo, hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw.}, magsasabi Siya: "Ito ay ukol sa lingkod Ko at ukol sa lingkod Ko ang hiniling niya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Huwag kayong gumawa sa mga bahay ninyo bilang mga libingan; tunay na ang demonyo ay lumalayo sa bahay na binibigkas doon ang Kabanatang Al-Baqarah."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
"Hindi sasapit ang Huling Sandali hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanluran nito. Kaya kapag sumikat ito saka nakakita nito ang mga tao, sasampalataya silang lahat ngunit iyon ay kapag: {hindi magpapakinabang sa isang kaluluwa ang pananampalataya nito [kung] hindi ito dating sumampalataya bago pa niyan o nagkamit ito sa pananampalataya nito ng isang kabutihan.} (Qur'ān 6:158) Talagang sasapit nga ang Huling Sandali habang nakapaglatag na ang dalawang lalaki ng kasuutan nila sa pagitan nilang dalawa ngunit hindi sila makapagbibilihan nito at hindi sila makapagtutupi nito. Talagang sasapit nga ang Huling Sandali habang nakalisan na ang lalaki nang may gatas ng kamelyo niya ngunit hindi siya makatitikim nito. Talagang sasapit nga ang Huling Sandali habang siya ay nagkukumpuni ng tubigan niya ngunit hindi siya makapagpapainom dito. Talagang sasapit nga ang Huling Sandali habang nag-angat na ang isa sa inyo ng pagkain niya tungo sa bibig niya ngunit hindi siya makatitikim nito."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Noong bumaba sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) [ang talata (Qur'ān 2:284)]: {Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Kung maglalantad kayo ng nasa mga sarili ninyo o magkukubli kayo nito, magtutuos sa inyo nito si Allāh, saka magpapatawad Siya sa sinumang niloloob Niya at magpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.}, tumindi iyon sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kaya pumunta sila sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), pagkatapos lumuhod sila sa mga tuhod saka nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, inatangan kami ng mga gawain na hindi namin nakakayanan: ang pagdarasal, ang pag-aayuno, ang pakikibaka, at ang pagkakawanggawa. Ibinaba nga sa iyo ang talatang ito at hindi namin nakakayanan ito." Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagnanais ba kayo na magsabi kayo ng gaya ng sinabi ng [dalawang pangkat ng] mga May Kasulatan bago pa ninyo: {Nakarinig kami at sumuway kami.}? Bagkus magsabi kayo (Qur'ān 2:285): {Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan.}" Nagsabi naman sila (Qur'ān 2:285): {Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan.} Noong bumigkas nito ang mga tao, umamo dahil dito ang mga dila nila saka nagpababa si Allāh kasunod agad nito (Qur'ān 2:285): {Sumampalataya ang Sugo sa anumang pinababa sa kanya mula sa Panginoon niya at ang mga mananampalataya [ay gayon din]. Bawat [isa] ay sumampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, at sa mga sugo Niya. [Sinabi:] "Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa man sa mga sugo Niya." Nagsabi sila: "Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan."} Noong nagawa nila iyon, nagpawalang-bisa nito si Allāh saka nagpababa si Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan – (Qur'ān 2:286): {Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa malibang ayon sa kaya nito. Ukol dito ang kinamit nito at laban dito ang nakamit nito. Panginoon namin, huwag Kang magpanagot sa amin kung nakalimot kami o nagkamali kami.} Nagsabi naman Siya: "Oo." [Sinabi (Qur'ān 2:286):] {Panginoon namin, huwag Kang magpabuhat sa amin ng isang pabigat na gaya ng ipinabuhat Mo sa mga bago pa namin.} Nagsabi naman Siya: "Oo." [Sinabi (Qur'ān 2:286):] {Panginoon namin, huwag Kang magpapasan sa amin ng anumang wala kaming lakas doon.} Nagsabi naman siya: "Oo." [Sinabi (Qur'ān 2:286):] { Magpaumanhin Ka sa amin, magpatawad Ka sa amin, at maawa Ka sa amin; Ikaw ay Mapagtangkilik sa amin, kaya mag-adya Ka sa amin laban sa mga taong tagatangging sumampalataya.} Nagsabi naman Siya: "Oo."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.