Skip to content
673 Mga Hadith

Ensiklopedya ng mga Hadith ng Propeta

I-filter ang mga resulta

19 sa 673 card

Alisin ang mga filter
{Binigkas ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang talatang ito (Qur'ān 3:7): {Siya ay ang nagpababa sa iyo ng Aklat; mula rito ay may mga talatang isinatahasan; na ang mga ito ay ang saligan ng Aklat, at may mga ibang pinatalinghaga. Hinggil sa mga nasa mga puso nila ay may pagliko, sumusunod sila sa anumang tumalinghaga mula rito dala ng paghahangad ng ligalig at dala ng paghahangad ng pagbibigay-pakahulugan dito samantalang walang nakaaalam sa pagbibigay-pakahulugan dito kundi si Allāh. Ang mga nagpakalalim sa kaalaman ay nagsasabi: "Sumampalataya kami rito; lahat ay mula sa ganang Panginoon namin." Walang nagsasaalaala kundi ang mga may isip.}" Nagsabi siya: Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaya kapag nakita mo ang mga sumusunod sa anumang tumalinghaga mula rito, ang mga iyon ay ang mga tinukoy ni Allāh kaya mag-ingat kayo sa kanila."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
"Ang sinumang nagsaulo ng sampung talata mula sa simula ng Kabanatang Al-Kahf, isasanggalang siya laban sa Bulaang Kristo."} Sa isang salaysay: "mula sa hulihan ng Kabanatang Al-Kahf."
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{May isang lalaking kabilang sa mga Hudyo na nagsabi sa kanya: "O Pinuno ng mga Mananampalataya, may talata sa Aklat ninyo na binibigkas ninyo. Kung sakaling sa amin na katipunan ng mga Hudyo bumaba ito, talaga sanang gumawa kami sa araw na iyon bilang isang pagdiriwang." Nagsabi siya: "Aling talata?" Nagsabi ito (Qur'ān 5:3): {Sa araw na ito bumuo Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo, lumubos Ako sa inyo ng biyaya Ko at nalugod Ako para sa inyo sa Islām bilang relihiyon.} Nagsabi si `Umar: "Nakaalam nga kami ng araw na iyon at lugar na bumaba ito roon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay nakatayo sa `Arafah sa araw ng Biyernes."}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.
{Ang mga susi ng Nakalingid ay lima: {Tunay na si Allāh ay may taglay ng kaalaman sa Huling Sandali. Nagbababa Siya ng ulan at nakaaalam Siya sa anumang nasa mga sinapupunan. Hindi nababatid ng isang kaluluwa kung ano ang kakamtin niya kinabukasan at hindi nababatid ng isang kaluluwa kung sa aling lupain siya mamamatay. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid.}(Qur'ān 31:34)}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
{Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): "Hinati Ko ang ṣalāh sa pagitan Ko at ng lingkod Ko sa dalawang kalahati at ukol sa lingkod Ko ang hiniling nito." Kaya kapag nagsabi ang lingkod: {2. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang,}, magsasabi si Allāh (napakataas Siya): "Nagpuri sa Akin ang lingkod Ko." Kapag nagsabi ito: {3. ang Napakamaawain, ang Maawain,}, magsasabi si Allāh (napakataas Siya): "Nagbunyi sa Akin ang lingkod Ko." Kapag nagsabi ito: {4. ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas.}, magsasabi Siya: "Nagparingal sa Akin ang lingkod Ko." Nagsabi pa Siya minsan: "Nagpaubaya sa Akin ang lingkod Ko." Kapag naman nagsabi ito: {5. Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.}, magsasabi Siya: "Ito ay sa pagitan Ko at ng lingkod Ko at ukol sa lingkod Ko ang hiniling niya." Kapag naman nagsabi ito: {6. Magpatnubay Ka sa amin sa landasing tuwid: 7. ang landasin ng mga biniyayaan Mo, hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw.}, magsasabi Siya: "Ito ay ukol sa lingkod Ko at ukol sa lingkod Ko ang hiniling niya."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{Dati, ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nakaaalam sa paghihiwalay ng kabanata [ng Qur'ān] hanggang sa bumaba sa kanya ang Bismi –llāhi –rraḥmāni –rraḥīm (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain).}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
"Huwag kayong gumawa sa mga bahay ninyo bilang mga libingan; tunay na ang demonyo ay lumalayo sa bahay na binibigkas doon ang Kabanatang Al-Baqarah."}
Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
{May mga taong kabilang sa mga kampon ng Shirk, na sila noon nga ay pumatay at nagparami [ng pagpatay] at nangalunya at nagparami [ng pangangalunya] saka pumunta kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "Tunay na ang sinasabi mo at inaanyaya mo ay talagang maganda. Kung sakaling magpapabatid ka sana sa amin na sa ginawa namin ay may panakip-sala." Kaya bumaba [ang talatang]: {[Sila] ang mga hindi nananalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa, hindi pumapatay ng taong ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa karapatan, at hindi nangangalunya.} (Qur'ān 25:68) at bumaba [ang talatang]: {Sabihin mo [na sinabi Ko]: "O mga lingkod Ko na nagpakalabis laban sa mga sarili nila, huwag kayong masiraan ng loob sa awa ni Allāh;} (Qur'ān 39: 53).}
Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito.